two

19 1 0
                                    



I feel nervous when my mom just called me to talk to her. Madalas kasi pag may gantong nangyayari, laging serious ang pag-uusapan, but this time it's different, it's weird pero feeling ko may mangyayari talaga na para bang di ko mapaliwanag.

"Ma? Andito na po ako."

"Anak, alam mo naman ang estado ng negosyo namin ng Papa mo diba?"

"Ahh opo." Mayroon kaming naging malaking problema na ngayon ay umabot na sa halos ang paraan na lamang ay ibenta ang negosyo ng pamilya ko. Umalis si papa at nagpunta ng ibang bansa para puntahan ang mga foreign investors dahil sa sunod-sunod na pag-pull out nila ng mga shares at stocks sa kadahilanang wala na dawng kapit ang negosyo at malapit nang bumagsak. Masakit para sa'kin na kahit kami ay para bang walang magawa para makatulong man lang, matagal na naming nireresolba ang problemang ito at humahanap ng solusyon para dito pero para bang pati kami ay nauubusan na nang pag-asa pero pinipilit parin naming maging matatag lalo pa't ngayon na maliit pa ang bunso namin.

"Nakausap ko sya kanina at sinabi sakin na...na mahirap nang maibalik ang dating kita at produksyon ng negosyo dahil sa sitwasyon natin ngayon."

Nakita ko ang pagtulo nang luha ng aking ina at nakikita ko sa kanya ang pagod at hirap na nararamdaman nya ngayon. Pinakalma ko sya at sinubukang mapa-okay ang pakiramdam pero andun parin yung sakit na nasa loob nya.

"Ma, alam ko pong masakit pero wala na po bang ibang paraan? Mas mahirap na po sa atin ngayon kung ganun ang sitwasyon po natin."

"A-anak, mahirap. mahirap na ilang buwan na tayong ganito at kung alam nyo lang ay pati narin kami ay nalulubog na sa utang."

"Ma, kailangan ko pong magtrabaho. Apektado kami dito kaya tutulong kami, ma tell me, anong pwede kong gawin?"

Walang sinabi si Mama, pero nararamdaman kong malaki ang problema na kinakaharap nila, I talked to ate last night and sinabi na nga nya magtatrabaho nalang sya habang nag-aaral, syempre nag-suggest narin ako kay Mama para naman makatulong ako, pero ayaw nya at wala naman daw akong maitutulong, mas mabuting andito nalang daw ako sa bahay.

Masakit sa akin na kahit man lang sa maliit na paraan ay makatulong ako sa kanila, wala ba silang tiwala sakin? Wala ba silang tiwala sa kakayahan ko? Minsan naisip ko kung may mali ba sakin, Madalas ang cold sakin ni mama, at si papa lang ang takbuhan ko, pero madalas naman di ko sya nakakausap dahil sa busy ako at mahal ang international call.

"Uy Arie!"

"Ay anak ng pating!" Umagang-umaga ang panggugulat naman nitong si Janine, alam kong tulala lang ako pero para naman atang aatakihin ako sa puso nito.

"Itsura mo haha. Ano ba kasing iniisip mo at kanina ka pa tahimik dyan?"

"Nothing." kahit meron naman talaga ay dinenay ko nalang sya. Ayokong madamay pa sya sa problema ng pamilya ko at dagdag na nga ng problema nya sa pag-ibig. Wala paring tigil ang isip ko sa kung paano ba malulutas ang problema namin at kung ano ba ang pwede kong gawin. Dati naman kasi maayos at wala kaming problema na di gaya nito, halos isuko na talaga ang kumpanya.

"Hello? Andito naman ako." Natuwa naman ako dahil sa kahit anong problema ang meron kami handa parin namin tulungan ang isa't-isa.

"Alam ko naman yun, kaso di ko talaga alam gagawin ko."

"Ate, may nagpapabigay po." naputol ang usapan namin ni Janine nang may isang lalaki ang lumapit samin at nagbigay ng isang rosas at isang picture, at kung di ako magkakamali picture namin 'to ng first anniversary.

Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon