seventeen

7 0 0
                                    





Nagdaan ang maraming araw at linggo ang lumipas. Naging busy rin ang bawat isa sa darating na exams para sa linggong ito. Halos araw-araw ay gabi na ako nakakauwi sa dami ng projects at activities na pinapagawa sa'min. Dahil na rin sa pagiging busy ay di na kami nakakapag-usap ni Edward, madalas syang magtext sakin ngunit di ko ito nirereplayan. Ayoko na kasing mas lumala pa ang gulo sa pagitan nila ni Branch, pag nagkikita naman kami ay ningingitian ko sya ngunit mas madalas syng umiiwas sa akin. Di ko alam ang gagawin ko sa kanya dahil nga umasa ako na maayos na kami. Mas natutukso narin kami ni Branch sa klase dahil sa madalas kaming magkasama at lagi nya akong hinahatid. Pabor narin sa kanya ang mga magulang at kapatid ko kaya wala nang makakapalag. Aaminin ko na kahit laging busangot ang mukha nya ay napapakilig nya ako. At sa araw araw na kami ay magkasama, di lang pala talaga sya si Branch na nikilala ko. Ibang iba pala talaga sya.

"Basta hahatid kita bukas ah?" natatawang aniya.

"Bahala ka. Hahaha." Andito nanaman ang panibagong gabi na magkausap kami, nasa table ako ng aking kwarto at may sinusulat para bukas at ito sya nakikipag-usap sa telepono kahit magkalapit lang naman ang mga bahay namin.

"Ayaw mo ba? Baka busy ka bukas?"

"Sino bang nagsabing ayaw ko? Uy sali tayo sa drama club!"

"SERIOUSLY? ME? DRAMA CLUB?"

"Hahaha. Why? what's wrong?" Natatawa ako sa naging reaksyon nya, medyo masakit sa tenga yung sigaw at pagkabigla nya pero sana nakita ko ang ekspresyon ng mukha nya. Haha

"No. I just hate it."

"Oh c'mon! Ta-try lang naman natin eh."

"Ikaw nalang. I'll support you."

"Ihh. Sige na..."

"Pagsumali ba ako dyan, hahalikan mo uli ako?"

Namula ang pisngi ko at di ko sinagot ang tanong nya.

Nasa Azucar kami malapit sa Robinsons Magnolia ni Janine habang nilapag at limpak limpak na gagawin. Kinakailangan pa naming bumalik dahil sa audition ng Drama club at dahil sa busy rin si Branch sa studies at nalaman kong magiging captain ata sya sa basketball kaya lalo sya naging busy.

"Uggh! I'm so tired. Pag-uwi ko talaga matutulog agad ako."

Ramdam na ramdam ko sya. Simula pa kaninang umaga ay hinabol namin ang isang report, napag-utusan pa kami at sa sunod sunod na meeting na samahan mo pa na pinagvolunteer kami para magturo sa mga bata. Dahil sa kanina pa yan nagrereklamo dahil sa sunod sunod na mga gagawin at hectic na schedule kaya ngayon, di na namin malaman ang unang gagawin.

"Hahaha. Babalik pa tayo remember?"

"Hay. Nakakatamad na!"

At sabay na naming ginagawa ang pagkain at paggawa ng mga projects at mga pagsulat ng screenshots namin sa phone. Kinamusta ko rin ang boyfriend nya at sinabing masaya parin naman daw sila sa relasyon nila ngayon. Nalulunkot din sya dahil ayaw raw sya nitong samahan sa auditions. Napag-usapan rin namin si Branch at si Edward na balibalitang may bago nang girlfriend.

"Bae. Is it true?"

"What?"

"About Edward?"

"Edward and Chelsea? I dunno. Madalas daw silang nakikitang magkasama eh. I heard na matagal nang crush ni Chel si Ed. Pero baka ngayon nya lang sya napansin nito."

"Grabe ka! Ngayon lang talaga napansin?"

"Hahaha. A-ano pa ba?"

Matapos noon ay nakarating na kaminsa gitna ng pag-o audition. Kaliwa't kanan ay may nagpapractice at desididong makapasok talaga ng Drama club. Hinanap ng mga mata ko si Branch dahil sa inaasahan kong pupunta sya, di rin ako makapagtext sa kanya dahil sa nakalimutan kong magpaload. Nakakainis!

Living with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon