"Venassie Agustin ask you a friend request!?"
Inirapan ko nalang si Janine ng banggitin niya nang pagkalakas lakas sa kwarto ang pangalan nyang babaeng yan. Di naman sa naiinis ako pero naiinis talaga ako sa katangian nyang di ko maintindihan kung saan nagmula. Kung gusto talaga siya ni Edward e susuportahan ko nalang. Kahit na sa ngayon ay parang labag yun sa loob ko. Siguro dapat kilalanin ko muan talaga siya ng totoo.
"Bakit ba ayaw mo sa kanya? Mukha nga syang anghel e." komento ni Janine.
"Janine, nakikita ko naman. Tsaka may pagka-isip bata lang talaga siya. Yun lang."
Sa halip na nalalapit na gradutaion namin ang isipin ko ay nag-aalala ako kay Edward. Di naman dapat ako mag-alala diba? Malaki na sya at kung ano man yung mga balak o mga gusto niyang gawin ay lagi lang namn kaming andito na mga kaibigan niya.
Natapos ang isang buwan at masasabi kong kahit na ganun kaingay si Vena ay may mabuti siyang puso. Nakita ko kung ganoo siya pamaghal sa mga bata ng magkaroon kami ng activit kung saan mamimigay kami ng mga gamit para sa bata sa darating na pasukan. Nakita ko kung gaano naging anghel sa kanya ang dami ng bata na nakikipaghalubilo sa kanya at kung paano lalong nahuhumaling si Edward sa kanya.
"Ariesa!" sigaw ni Janine ng makita ako.
"Hanggang dito ba naman maingay ka parin." parehas kaming natawa.
Narito na rin sina Tita pati na buong pamilya ko. Lahat kami bumabati sa isa't-isa. Sa wakas natapos na rin ang ilang taong paghihirap namin at syempre lahat may katapusan, at ito na nga ang araw na iyon.
Simula noong nalaman ko ang lahat mula kay Branch ay hanggang ngayo'y hindi ko siya kinakausap. Hindi sa apektado parin ako ay dahil sa nahihiya akong harapin kausapin siya. Maganda na sigurong ganoon para mas madali akong makalimot at isa pa, kahit na wala kaming closure ay mas maganda na yun kesa sa mga bagay na di namin nasasabi sa isa't-isa. Ayoko na lang na bigyan ng kahit anong kahulugan ang meron sa dati naming relasyon.
"Congratuations to all of you."
And our all graduation caps are thrown in the blue sky. I just see how things can be change any second now. Most of us, for sure are keeping things and moving to their next chapter of life. And me? maybe it's time to meet the real me.
"A, pupunta ka sa graduation ball mamaya?" tanong ni Ann.
"I'm not sure, pero itatry ko." ningitian ko siya.
Muli kong inayos ang suot ko at di nagtagal ay halos manigas ako ng halikan ako sa pisngi ni Edward.
"Damn you." ani ko.
"Akala ko pa naman babatiin mo ko. Tss."
Inirapan ko siya at sabay kaming nagulat nang sabay kaming maglabas ng regalo. Sinabihan niya ako na gaya gaya ako pero mukhang wala lang kaming pinagkaiba dahil sa pareho din ang laman nito. Sabay lang kaming natawa.
"Hindi mo naman ako madalas bigyan ng relo a?" bulalas ko sa kanya.
"Kaya ko nga binibigay sayo yan. Since you need time, syempre para sa sarili mo. Ayoko lang na kalimutan mo ko."
At the end, you'll realize how life is colorful as we never imagine. Kaya nga siguro'y maraming mas pinipili nalang na sumuko dahil sa hirap pakisamahan ng mundo. But in the end, you'll see all of your hardworks and more than that. Every beginning is hard, and as everyday we make mistakes, we do also learn from it.
"Hey, sali nyo naman ako dyan!"
Tumatakbo si Janine papalapit sa amin at may dala 'ring regalo.
"This is for you. Kahit na alam kong wala kang regalo sa akin. And this is for my one and only Ariesa!" niyakap niya ako ng mahigpit. Inabot ko rin ang akin.
"Wow, thank you." niyakap din ni Edward si Janine.
"A notebook?" kumunot ang noo ko.
"It's not just any notebook. It can be your diary if you want. Syempre wala ako sa new york kaya pwede sya kung kausapin mo. Then it can be also your scrapbook, may mga pages dyan na pwede mong lagyan ng pictures then you can customise it. Pretty right?"
Napatingin ako sa notebook na mas malaki sa natural na sukat nito at ang kulay itim na may maliliit na glitters na parang nakikita ko ang kalawakan sa pamamagitan nito.
"Are you really sure with this?" tanong ni Edward sa'kin.
"Paano si Branch? Wala ka na bang balak kausapin siya?"
Natigil ako sa pag-aayos ng mga regalo nila sa sinabi ni Janine. Sa tingin ko'y naging mas okay na para sa aming dalawa ng nalaman ko ang lahat at hinayaan nalang ang kung anong meron kami dati. Ilang buwan din na halos wala kaming komunikasyon o pag-uusap man lang. Sometimes it's better to leave everything unsaid.
Di na ko tumuloy sa aming graduation ball since wala naman akong masyadong hilig sa mga ganun at pinag book na ako ng flight nina Lola Ester ng flight papunta sa New York dahil sa andun nga ang mga tunay kong mga magulang at para narin maging independent ako.
"Mag-iingat ka doon a?" Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni papa, mahirap sa akin na iwan sila una palang ngunit ito ang kailangan kong harapin. At dapat na di ko ito talikuran.
"Ate, yung mga libro mo libro dadalhin mo ba?" natawa ako sa tanong ni Sancho sa'kin.
Nag squat ako para maging kapantay ko siya saka niyakap.
"Padala mo nalang kung sakali a?" Biro ko sa kanya. "Mamimiss kita."
Di na kinaya at tumulo na ang luha ko. Unang una di ako malakas pagdating sa mga ganitong bagay, aaminin ko na mali sa akin ang madalas na pag-iisip ng mga bagay na negative kaysa paging positibo sa lahat. Mas nag-ooverthink ako na halos mabaliw na ako sa kakaisip na 'baka' at 'what ifs'. Bittersweetness of having arrived in the future, how thing will work out and I can't even show my past self.
That weaknesses I have to fight in my new chapter of life.
Pasado alas otso ang flight ko kaya dalawang oras bago iyon ay pumunta na kami sa airport. Sasama sa akin sina Lola at Lolo dahil sa ang pangako nila sa mga tunay kong magulang na uuwi sila na kasama ako at doon sa akin ipapaliwanag lahat. Pumayag din silang kung sakaling piliin ko na magsarili pagkatapos kong makahanap ng trabaho.
This is all I need.
