"Edward! Kamusta ka na?"
Dahil narin sa school works ay di ko na rin nakakamusta ang mga kaibigan kong kahit di naman talagang malapit sa akin gaya ni Janine ay tinuturing ko pa'rin namang mga kaibigan ko. Nakasalubong ko si Branch sa isang bookstore kung saan naroon din ako para bumili ng libro para sa isang proyekto namin. Naka- tshirt lamang siya na plain at khaki shorts. Tinawag ko agad siya.
"Ariesa..." Tinapik ko ang balikat niya.
"Maybibilhin ka ba? Samahan na kita." pagpipresinta ko.
Pumayag sya na samahan ko siya. Bumili din siya para sa school works at marami din daw siayng gagawin lalo na ngayon kaya dinalian nalang namin. Halos labinlimang minuto din ang itinagal namin sa supermarket dahil sa mga binilin sa kanya ni tita, na hindi nya alam kung saan hahagilapin.
"Thank you for accompanying me. Di narin kasi ako madalas napupunta dito kaya nahihirapan ako sa mga pinabili ni mama sa akin. Damn, the supermarket looks like a maze." he groaned.
Sabay kaming naglalakad at ilang sandali na lang ay maghihiwalay na kami ng daraanan. Nakuha niya kaong ilibre sa isang fast food dahil daw sa pagsama ko sa kanya. Matagal narin kaming di nakakapag-usap ng ganito kaya't na-eenjoy ko rin.
"Masyado ka na sigurong nagkukulong sa bahay ninyo o sa condo mo. Lumabas labas ka naman kasi." sabi ko.
"Ginagawa ko naman yun a! Sumasama naman ako kapag nagyayaya yung ilan kong mga kaibigan."
Inirapan ko siya. Kahit mukha talaga siyang lalake ay mailap parin siya na makihalubo sa iba. nagmumukha tuloy na bakla siya. seriously.
"Most of them are also for school works, right? They invited you kasi birthday ng kapatid ni ganito, may kainan sa ganyan. Edward, have fun!" tinawanan lang niya ako. Edward is really a good guy, he deserves the world. Napakabuti niya na ikaw mismo ay mahahawa sa kabaitan niya. Sometimes I think what if Branch didn't separate us apart? Hindi siya na-curious sa'kin? O hindi niya ako nakilala o nakita? Ano na kaya kami ngayon? But it doesn't change the reality and we don't feel the same way before. Tinuturing ko na siyang isa mga matalik kong mga kaibigan.
"Harsh. Nag-eenjoy naman ako kahit sa ganoon lang. Alam mo namang takot ako sa mga tao." parehas kaming natawa.
"Kahit na, you should make your circle of friends bigger. 'Di ba mas masaya yun?" tinasaan ko siya ng kilay.
" Well, what do you want me to do, huh?" he lean forward.
Magkatapat ang mga mukha namin at halos hindi ako makahinga. Nagkurba ang kanyang mga labi nang makitang halos manigas ako sa kinatatayuan ako. wtf?
"You should look at your face." patuloy parin siya sa paghalakhak.
"Gago. Dyan ka na nga!" asar na asar ko siyang iniwan.
Nang makauwi ako ay inumpisahan kong mag-aral. Malakas na pagpapatugtog ko sa kwarto ngunit mas malakas pa ata ang walang katapusang tawa ni Edward sa harap ko kanina. Alam kong malinaw nasa aming dalawa ang dapat na meron kami kaya dapat na wala akong isipan dito.
wag kang magpapaapekto.
wag kang magpapaapekto.
wag kang magpapaapekto.
Patuloy kong sambit sa utak ko dahil unang una pag naapektuhan ka, talo ka.
Ala-una na ngunit di parin ako makatulog. Naisipan kong buksan ang facebook ko at habang nag iscroll ako ay tumunog ang messenger ko.
