Reidler.I wish then. And yeah. Can't sleep tonight.'coz you're on my mind.
Nagulat ako sa huling text nya bago ako matulog, Ayan puyatan nanaman! Ngayon ay unang klase namin at di pa rin mawala sa isip ko yung text na yun, di ko na nireplayan at gusto kong isipin na biro lang lahat ng iyon. Pero bakit ganun!?
"Uy, ano bang iniisip mo at tameme ka dyan ha!?" Tinapik ako ni Janine at nakita kong kanina pa nakadiin ang matatalim na titig ni Edward sa amin, at nang mapansin ako ay bigla syang umiwas ng tingin. Dahil sinula nang maghiwalay kami ay pinagpalit na sila ng upuan ni Janine kaya't sya na ang katabi ko.
"Wala." walang ganang sagot ko sa kanya.
"Di Wala, mag kwento ka mamaya." Bulong nya sa akin at kumopya na kami sa pisara. Andito si Branch sa likod ko at di ko alam na bawat galaw ko ay kailangan kong bantayan dahil nga nasa likod ko sya.
Nag-ring ang bell at umalis na muna ako para bumili ng pagkain dahil sa tinatamad bumaba si Janine, at nang nasa canteen na ako ay biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Reidler.
Where are you?
At agad ko naman syang nireplayan.
Me.
Canteen.
Reidler.
Okay, take care.
Di ko nalang pinansin yung text nya at bumili nalang ng pagkain sa canteen, nakabili ako ng ice cream na paborito namin ni Janine at ilang mga chichirya dahil sa wala dawng gana si Janine na kumain ng kanin ngayon.
"Ed."
"Arie."
At paglabas ko ay laking gulat ko nang makita si Edward na nagulat din sakin, na nagkasabay pa kami ng tawag.
"P-padaan." yun nalang ang nasabi nya at gumilid nalang ako. Nakita kong sinasubong sya ng mga ka-banda nya at umorder na sila ng pagkain.
"Antagal mo naman." Reklamo sakin ni Janine nang makarating ako sa classroom kasama ang mga pagkain.
"Gutom na gutom ka na?" sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Ewan ko sayo, uy yung kwento mo dali! Ay susunduin pala ako ni Brent mamaya, yieeee."
Para syang tangang kinikilig sa boyfriend nya dahil lang sa susunduin sya mamaya, nagiging bitter na ba ako?
"Che! Akala ko ba gutom ka na?"
"Uy bitter na sya ohh!"
Inirapan ko nalang sya at nagsimula na kaming kumain, natapos kami at kinukulit parin nya ako na magkwento kung bakit ako tulala kanina at wala sa earth pero nagmatigas parin ako na sabihin sa kanya.
"AYOKO." mga linyang lagi ko nalang binibitawan sa tuwing nagtatanong sya sakin nyan, nakakairita pero at the same time nakakatawang pagtripan sya.
"uyy may mamahaling kotse sa labas oh!"
"nasan? nasan?"
"Nasa gate, white, damn ang gwapo ng nagmamaneho."
Naputol ang pag-uusap namin nang marinig namin ang mga bulungan ng mga chismosang estudyante sa labas at para bang nagmistulang hugis puso ang mata ni Janine at hinila ako sa gate.
At di nga sya nagkamali at si Brent nga ang nasa kotse at nakasalamin pa! ewan ko nga ba kung maga-gwapuhan ba ako o mayayabangan. Nagulat ang mga babae nang dinala sa loob ng sasakyan si Janine at tumango nalang ako sa kanya.
