"Ate yung baon ko!" Sigaw ni Sancho mula sa kwarto. Eto nanaman at kinakailangan kong tulungan sa pag-aayos ang mga kapatid ko at si mama. Gabi narin kami nakauwi ni Branch dahil sa di muna kami umuwi ng bahay at naglakbay pa."Ma, yung pambayad po yung kuryente okay na ah? Alis na po ko." Sabi ni ate at umalis na nang bahay. Kanina pa nag-aamok 'tong si Sancho dahil sa wala daw syang uniform at kaya pati si mama ay beastmode na rin, isabay mo na ang maagang alis ni papa, dahil sa maagang meeting.
"Dalian mo dyan Arie at magko-commute nalang kayo." Sabi ni mama at agad naman akong nagmadali para ayusin ang sarili ko. Dinampot ko agad ang bag ko ang ang mga libro sa msa, nakita kong ako nalang ang hinahantay ni Sancho kaya't di na ko nagsuklay at lumabas na agad ng bahay.
Habang nag-aabang kami ng jeep ay sumilip ako sa relos kong malapit na kami malate ng kapatid ko. Napakamot nalang ako ng ulo nang makitang ang ang jeep na puno ang mga laman. Ialang minuto pa ang nagdaan at nagulat ako nang isang familiar na sasakyan at tumigil sa harap namin at nakita ko sa pagbaba ng bintana ang di ko inaasahang si Edward na nasa harap ko.
"Kuyaaaa!" Masayang tawag ni Sancho at agad na sumugod papuntang sasakyan.
"Hop in!" Sabi nya nang nakangiti. Yung ngiti na namimiss ko. Yung ngiti na matagal ko nang di nakikita sa mga mata nya.
"Di sige okay lang. Tara na Sancho may jeep na paparating oh!" Sigaw ko sa kapatid kong sarap na sarap sa pagupo sa kotse nito.
"Male-late na kayo, Tara na!"
"Oo nga ate, male-late na tayo."
Dahil sa wala akong nagawa ay sumakay na ko sa kotse nya. Napansin kong bago ang kotse nya ngunit wala na kong balak itanong awkward din na dapat sa likod ako ay tinulak ako ng peste kong kapatid para sa front seat daw ako. Sa kasasagsagfan ng biyahe, ay si Edward loang at ang kapatid ko ang nag-uusap. Habang ako ay nasa tingin lang sa kawalan at OP sa mga pinag-uusapan nila. Hatid lang naman eh, walang ibang meaning. And besides may boyfriend na ko.
"Anlaki-laki mo na talaga." Pang-aasar ni Ed.
"Matagal na kong malaki kuya, tsaka bakit di ka na pumupunta sa bahay, namimiss ka tuloy minsan ni ate. Yan tuloy ibang lalaki na yung nasa bahay palagi."
Natahimik lang bigla si Edward at naging mas awkward pa ang paligid. Thanks God nasa school na kami kaya't nagmadali akong lumabas. Pagbubuksan pa sana ako ni Ed nang tinuro ko si Sancho kaya sya nalang ang pinagbuksan nito, kinuha nya ang bag nito at bag ng gitara na isinabit sa kanyang balikat.
"Pasok ka na bunso dali." Sabi ko at hinalikan sya.
"Thank you ate. Thank you din pare!" Aniya at tumakbo na papasok.
Nauna akong pumasok at ang nalate ay si Ed dahil sa nagpark pa sya ng sasakyan. Nakita ko rin na bakante ang upuan sa likuran ko kaya't wala sya ngayon. Nakapagtext naman sya kaninang umaga sa'kin pero nalulungkot lang siguro ako dahil sanay akong lagi syang andyan.
"Bakit absent jowa mo?" Tanong ng kaklase kong bakla na nilapitan pa ako.
"Huh? A-ah kasi masama ang pakiramdam nya." Malungkot kong sabi.
"Ohh. Kaya pala nalate ka, ang sweet nyo naman." Aniya at umalis na. Baka naman may pagnanasa pa yan kay Branch. Di na ata ako magtataka kung ganun. Alam ko naman na maraming nagkakagusto sa kanya sa school pero di lang nya pinapansin.
Free time ngayon at naisipan kong itext si Branch dahil sa nag-aalala ako sa kanya. Bago pa man yun ay nakita ko si Janine na may kinokopya sa notebook nya, si Ed na naggigitara lang samantalang ang iba ang busy sa kani-kanilang mga ginagawa.
Me.
Branch bakit di ka pumasok?
Branch.
I'm busy in office, sorry.
Me.
It's okay :) puntahan kita sa bahay nyo?
Branch.
That will be great. See you love.
Napangiti naman ako kaya naman ginanahan nanaman akong mag-aral. Nagtake-down note narin ako para makapag-aral si Branch. May mga activities kaming ginawa pero para bang walang enegy na nawala sakin. Ang sarap pala ng maramdaman ulit ang ganitong feeling.
"Ang saya saya mo nanaman! Yieee." Pang-aasar sakin ni Janine habang inaayos ang bag niya para makauwi na.
"Haha. Di naman, ano susunduin ka?"
"Hindi na ata, Nag-away kami nung isang araw eh. At hanggang ngayon di parin kami nag-uusap." Aniya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha.
Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit naman ganun? Dapat di nyo pinapatagal yan. Ano ba kasing nangyari?"
Muli kaming umupo at mas nilapit ko ang upuan ko sa kanya, kinuha rin nya ang cellphone nya at binasa ang mga message dun.
"Nung nakaraang araw, sabi nya na nagkita raw sia ng Ex nya. Edi sinabi ko na magkwento sya kung anong sinabi at ginawa nito, una ay di daw sya pinansin nito pero hinawakan ang braso nya at nagmakaawang magbalikan sila. Tumanggi siya dahil sa nga dati ay di sila pinayagan ng mga magulang ni ex dahil sa matanda sya dito pero pinaglaban nya ngunit naghiwalay nga sila dahil sa parang pinagpalit sya nito sa pamilya nya. Ngayon naman ay napagtalunan namin na kung kausapin nya nang maayos yun at sumama ako, ngunit ayaw naman nya at hayaan nalang daw sya."
"Di naman ata pwede yun! Dapat ay kinausap nua yung ex nya at di nya iniwan ng ganun ganun nalang!"
"Kaya nga eh, sinabi ko na yun sa kanya pero ayaw nya at pipilitin lang daw sya nito ulit na magbalikan sila."
Sinamahan ko muna si Janine bago makasakay ng jeep. Magkaiba kasi kami ng sasakyan pauwi kaya pinauna ko na sya bago ako sumakay. Habang nag-aantay ako ay may bumusina sa likuran ko na ikinagulat ko, nakita ako nanaman ang kotse ni Edward at bumukas ang bintana nito.
"Ariesa, sabay ka na." Sabay ng masasaya nyang ngiti sa akin. Gusto kong balikan yung ngiti pero di parin mawawala sakin at lahat ng nangyari. Palibhasa kasi lalaki, parang isang pahanon lang yan na lumilipas din.
"D-di na, mauna ka na may pupuntahan pa ako eh."
"Huh? Sabay ka na para makatipid karin sa pamasahe."
"Hindi na. Pupunta ako sa bahay nina Branch eh."
Nag-iba ang ekspresyon nya at tumango bago ipaharurot ang Lexus Sedan nya.