"Bakit ka nandito sa bahay?" Gulat ng tanong ni Mama.
Kita ko sa mga mukha nila ang kaba. Si mama, si ate at Anizza. Wala si Papa. Siguro ay nagtatago na ito dahil alam nyang makukulong na sya. At baka makasama pa nya ako sa kulungan.
"Mama tulungan nyo po ako. Hindi ko po sinasadya ang nangyari." Nanginginig na ako sa iyak habang nagsasalita.
Lumapit sya sakin akala ko ay papagaanin nya ang loob ko pero isang sampal ang sumalubong sakin.
"Napaka tanga mo talagang bata ka! Pumunta ka pa dito sa bahay! Anong gusto mo? Madamay kami dyan sa kasalanan mo! Ha! Lumayas ka sa bahay na to!" Galit na sigaw ni Mama.
Mas lalo akong naiyak. Wala talaga syang paki alam sakin.
"Mama anak mo ako. Bakit ganan ka sakin?" Iyak ko. Gusto kong malaman ang rason nya.
"Gusto mong malaman?" Sabay tulak sa aking noo gamit ang daliri nya.
"Dahil wala kang kwentang anak. Ni hindi mo kayang mag sakripisyo para sa pamilyang ito." Panunumbat nya .
"Ma tama nayan." Lumapit samin si ate.
"Umalis ka na Arissa, baka bigla nalang dumating ang mga pulis at dakpin ka." Nag aalala nitong sabi at hinawakan ang aking palad at may binigay sya sakin. Ng tiningnan ko ito ay pera, iyon yung gusto nyang ibigay sakin kanina.
"Tama umalis ka na at baka madamay kami dyan sa kasalanan mo. Layas!" Pagtataboy sakin ni Mama.
"At sana kung hindi ka mahuli ng mga pulis ay wag na wag ka ng babalik sa bahay na ito dahil ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo!" Singhal pa nito sa may mukha ko.
Napatitig nalang ako kay Mama. Sa tagal na nya akong pinagmamalupitan ay ngayon ko lang narerealized na ang malas ko pala. Nasanay lang ako sa ginagawa nya kaya, madami ako laging tanong at isa na doon kung bakit hindi nya ako magawang mahalin. Pero sa oras ngayon ay napagtanto kong wala talaga akong halaga mula sa kanya-----Ang malas ko dahil sila yung naging magulang ko. I am unwanted child of my parents.
"Ano pang tinutunganga mo dyan. Lunayas ka na!" Hinampas ni mama ang aking braso. Hindi ko yun ininda dahil namamanhid na ang aking katawan.
Nakarinig ako ng ingay galing sa labay ng bahay. Nataranta sina Mama.
"Umalis ka na Arissa! Ano pang hinihintay mo? Madadamay kami sa kasalanan mo!" Madidiing sabi ni Anizza.
Hindi ako umimik, parang ayaw ko nalang mabuhay. Hihintayin ko nalang na dakipin ako ng mga pulis.
"Shit! Shit!" Narinig kong natataranta si Ate. Hindi nya alam ang gagawin. Sya lang ang may concern sakin.
Tumingin sya sakin at hinaglit ang aking kamay at hinila ako sa likod ng bahay namin.
Kahit rinig nito ang pagtawag ni Mama ay hindi nito iyon pinansin at inaalala parin ako.
Nasa likod bahay na kami. Gusto nya akong tumakas.
"Please Arissa, tumakas ka na!" Umiiyak na sabi ni ate.
Umiling ako at matamlay na ngumiti. "Pinagtanggol ko lang ang sarili ko."
Tumango sya at naiintindihan ang sinasabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/287876937-288-k348064.jpg)
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...