Chapter 56

482 26 4
                                    


"Mag papainterview nalang ako. "


Honestly, kung wala lang akong mga taong pinoprotektahan ay hindi ko naman para ipagtanggol pa ang aking sarili ko sa lahat. Unang una, iniisip ko ang aking anak. Kumalat na sa mga social media yung tungkol sakin at ayaw kong ng dahil duon ay mabully ang anak ko in the future. Tapos sina Tito at Tita paniguradong madadawit ang kanilang pangalan. Sapat na yung tinulong nila, ayaw kong madamay pa sila dito. At naisip ko rin itong La Inertia, tama si Mr. Cortez, maari kaming mabawasan ng customer dahil sakin. Alam ko naman hindi kawalan ang isa o dalwa. Pero image parin ng La Inertia ang apektado.





"You don't need to. Mawawala din yung balitang kumakalat tungkol sayo. Saka sayo lang ang COO. Kaya bakit ka pa mag papa interview?""





I frowned and watched him because of what he said.





"Iniisip mo na kaya ako mag papainterview ay para masiguradong secured sakin ang pagiging COO?"





Tila nagsisi sya sa sinabi at inalo ako ng tingin nya.


"That's not what I meant Triana. Ang sakin lang ay hindi naman importante ang pananaw ng ibang tao. Hayaan mo nalang at lilipas din naman."




Tsk. Hindi ko parin nagustuhan yung sinabi nya kanina. Hindi naman nya iyon masasabi kung hindi nya iyon naiisip.






"Okay. Ayaw ko lang madamay sina Tita at ang anak natin kaya gagawin ko to." Nag iwas na ako ng tingin sa kanya at nilampasan ko na sya papunta sa may table ko.





Nakakainis sya ah. Baka nga iyon ang iniisip nya sakin. Posisyon at pera ang mahalaga lang sakin.






Umupo na ako sa may swivel chair at ramdam ko ang paglapit nya sakin.






"Triana." He called me as he gently put his hand on my back.





I ignored him and put my attention on my laptop.





"I'm sorry. I don't have any intention to offend you."





Mahina akong humugot ng malalim na hininga at nakagat nalang ang ibabang labi.





"Are you mad? Please I'm sorry."





Okay. Why is he being like this? Hindi ako sanay. Masyadong malambing yung boses nya.





"Hi-hindi ako galit." Mahina kong sabi.




"Are you sure?" He asked as his hand traveled on my shoulder.





"Okay nga lang." Sabi ko uli at ginalaw ko ang swivel chair ko pagilid para mawala sakin yung braso nya---now, I am facing him and stared at him as if I am I can read his face.






"The other reason kaya ayaw mo akong mag pa interview is dahil totoo naman iyong balita?" I questioned him.





"No." Agap nyang sabi.




I raised him my eyebrow....I can see some emotion in his eyes---it's like guilt...or anxious?






"Mapapahiya ba ako kapag inamin kong totoo naman iyong balita?" I asked again.




He took a deep breath and looked melodiously at me.




"I'm sorry. Hindi ganun ang iniisip ko Triana. Ayaw ko lang naman iexplain mo ang sarili mo sa ibang tao dahil hindi naman sila importante." He said sincerely then he reached my hand.




Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon