Isa, dalwa...tatlong araw na ang lumipas hanggang sa naging isang linggo, dalwa at ngayon ay isang buwan na----
Isang buwan na akong pinupwerwisyo ni Rowan. Tuwing may meeting ay lagi nya akong ginigisa at minsan ay hindi ko maiwasang hindi mapahiya sa ibang mga shareholder at mga directors.
Minsan nga ay gusto ko nalang hindi umattend ng meeting dahil alam kong pag iinitan lang ako.
Ito namang mga shareholder at directors ay gustong gusto si Rowan. Ewan ko ba, parang may ginawa si Rowan para magustuhan sya ng lahat... Kaya minsan kapag pinagtatanggol ko ang aking sarili ay wala ring kwenta dahil lagi silang sasang ayon kay Rowan.
Ayun, laging malaki ang ngisi kapag nalalamangan ako.
"Trina kumusta na kayo?" Tanong ni Tita sa kabilang linya.
"I'm fine Tita. Kayo po kumusta na? Si Tito po kumusta?"
"Okay na ang Tito mo, nag papagaling nalang."
"Mabuti naman po."
"Si Rowan kumusta na? Okay ba kayo?"
Hindi agad ako makasagot sa tanong ni Tita. Naku kung alam mo lang tita ang ginagawa sakin ng anak mo.
"Is that Trina?" I heard Tito Owen.
"Oo, nangangamusta ako sa kanila." Sabi ni Tita at nawala ang mukha nito sa cellphone tapos ng muling naayos ay nakatapat na kay Tito ang cellphone.
"Tito, kumusta na po kayo?" Nagagalak kong tanong.
"Ayos lang ako Hija. Kumusta nga pala ang kompanya?"
"Ano ba yan Owen, kompanya agad ang tanong mo." Sita dito ni Tita.
Napatawa nalang ako sa kanila. "Okay naman po ang La Inertia Tito."
Ayun nga po, yung anak nyo, mukha ngang hindi na kailangang mag aral para patakbuhin itong La Inertia. Aba, ay dinadaan ata sa itsura ang lahat.
"Hindi ko nga pala naulit sayo na si Rowan ang ginawa kong acting CEO ng La Inertia. Pinagbawalan na ako ng doctor na humawak o lumapit sa kahit anong electronic device kaya hindi na ako nakatawag."
Napaayos ako ng upo at nakinig pa sa sabihin ni Tito.
"Just to remind you Trina, iba iba ang pamamalakad ng mga kompanya. Here in La Inertia, mag kaiba ang CEO at ang acting CEO. Alam kong hindi kayo ayos ng anak ko kaya huwag kang papayag kapag inagrabyado ka nya pag dating sa trabaho nyo---
Natigil ito sa pagsasalita ng biglang sumabat si Tita.
"Ano ba yan Owen, bakit ganyan ang sinasabi mo kay Trina. Maayos naman sila ni Rowan."
"Tsk. Kung hindi mo gawa ay hindi ako papayag na bigyan ng posisyon yang anak mo sa kompanya ko. Wala yang interesado sa kompanya kaya wala akong tiwala sa pamamalakad nya."
"Anak natin Owen! Bumabawi na nga sya at sabi nya kahit sya nalang ang mag patakbo ng La Inertia at tayo ay mag travel na lang. Tapos pinag iisipan mo naman ng masama si Rowan."
Natigilan si Tito at napabuntong hininga nalang at muling humarap sa cellphone. "Just let me talk to Trina----
----Sayo ko pinag katiwala ang La Inertia Triana. You are the COO and supposedly you can have everything under control....kahit sino sa mga director dyan ay huwag mong hahayaang baliwalain ang pagiging COO mo, lalo na si Rowan. He is just an acting CEO, not a CEO, either the owner."
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Lãng mạn⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...