Chapter 21

229 10 4
                                    




Kahit nahihiya ako dahil sa mga pinag iisip ko kagabi ay gumising parin ako ng maaga para ma ipag handa ng umagahan si Mr. Morales.




May nakita akong corn beef na nasa cabinet, hindi sya yung nabibili naming mumurahin sa tindahan. Ibang branded sya at alam kong mahal ito.






Bago ako maka pag luto ay naninibago pa ako sa kalan na pinag lulutuan. Buti nalang ay tinuruan ako niya ako kagavi kung paano ito buhayin kahapon kaya hindi ako masyadong nahirapan.






Nag gisa ako ng bawang at sinigurado kong magiging malutong ito gaya ng mga bawang na toppings sa mga karinderya.




Ng okay na yung bawang ay kinuha ko yung iba at nilagay sa may platito. Ginisa ko namang sunod ang kamatis at ng medyo nalulusaw na ang laman nito ay nag lagay ako ng isang itlog at hinalo iyon. Saka ko naman nilagay yung branded na cornbeef.




Habang hinahalo iyon ay natatakam na ako sa amoy. Favorite ko kasi itong niluluto ko kaya sure akong magugustuhan nya ito.





Favorite ni ate yung may sabaw sabaw pa pero ako gusto ko yung tuyo na yung corn beef. Mas masarap kainin dahil nag mistulang fried corn beef narin sya.





Ng wala na akong nakikitang katas galing sa kamatis at corn beef pinatay ko na yung kalan tapos sinalin ko ito sa pinggan. Mabilis kong hinugasan ang kawali at sinalang uli sa may gasol.
Nag luto ako ng dalwang itlog na malasado.





Bigla akong nataranta ng makarinig ako ng tunog ng sapatos papasok ng kusina.





Mabilis kong hinango yung itlog at nilagay ko ito sa gilid ng cornbeef.





Saktong pumasok si Mr. Morales sa kusina. Natigilan pa sya ng makita ako. Pag katapos ay napunta sa may niluto ko yung mga mata nya.





Napalunok ako bago mag salita.





"Ah pinag luto kita. Simple lang ito pero masarap."






Muli nya akong binalingan ng tingin. Nakagat ko yung loob ng pisngi ko ng hindi sya nag salita.






Marahan syang lumapit sa akin at tiningnan muli yung niluto ko.





Kagat ko parin yung loob ng pisngi ko. Parang hindi nya ata gusto yung niluto ko kahit hindi pa nya natitikman.





"Where's the bread?"






Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nya.





Wait! Gusto ba nya yung niluto ko?





"Bread?" Namangha kong tanong.




Tumingin sya sakin at tumango.




"Bread and cornbeef are combo, right?"





Muntik pa akong mapatawa dahil sa sinabi nya. Anong combong sinasabi nya?




Nasasarapan ba sya kapag pinapalaman ang cornbeef sa tinapay?





Mas masarap kaya iyon iulam sa kanin o sinangag





Pigil ang ngiti tapos inilingan ko sya. "Nag luto ako ng rice, tapos sinangag ko. Mas masarap yan iulam sa kanin----maupo ka na  sa upuan. Andun na yung sinangag na niluto ko kanina."




Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon