Chapter 44

298 19 2
                                    



"Ma'am, closer po."




Mabagal kong nahigit ang aking hininga ng marahan pa akong lumapit kay Rowan para sa picture taking.





Ewan ko ba, may bigla nalang humila saming babae at pipicturan daw kami. Polaroid camera ang dala nya at libre naman daw.


Gusto ko sanang tumanggi kasi nakakahiya, pero yung babae ang mapilit.



"Sir pwede po bang umakbay po kayo kay Ma'am."




"Papa, put your arm around Mama."




Mas lalo na akong nahiya dahil sinang ayunan ng anak ko yung suggest ng babae. Ngumiti ako kay Oswell bago balingan ng tingin si Rowan. Sasabihan ko na sana sya na hindi naman kailangan ng akbay ang importante ay malapit kami sa isat isa para matapos na ito. Pero hindi pa ako nakaka pagsalita ng bigla kong maramdam ang kamay nya sa aking bewang dahilan para mapatili ako.



Agad akong napatakip saking bibig dahil sa nagawa ko.





Shit.




Ano ba naman to?




Pakiramdam ko ay sobrang nag iinit na ang aking mukha. Tapos narinig ko pa ang mahinang tawa ni Rowan.



"Relax. Para matapos na."




Napalunok nalang ako at wala ng nagawa. Akala ko ay hahawak lang sya sa bewang ko, pero hinapit pa nya ako para mapasandal ako sa kanyang katawan.




Ilang na ilang ako sa aming pwesto tapos sumabay pa itong malakas na kabog ng dibdib ko.




"Smile!"




Pilit akong ngumiti at hinintay na makuhanan na kami ng babae.



Bahala na. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko dun sa litrato.




Nang mag okay na yung babae ay mabilis akong umalis sa pagkakawahak sakin ni Rowan at lumapit kay Oswell.




"Ma'am ito na po yung picture nyo ng asawa nyo."




Inabot sakin ng babae yung picture. Hindi ko alam kung kukunin ko ba yun. Nakatitig lang ako sa litatratong inabot sakin dahil sa natigilan ako sa binanggit nito na mag asawa kami ni Rowan.




Natauhan lang ako ng mawala sa kamay ng babae yung litrato.




"Thank you."



Si Oswell iyon, sya yung kumuha ng picture namin ng papa nya.




Tumingin sya sa papa nya tapos inabot yung picture namin.




"Papa, keep it to your wallet." Masayang sabi ni Oswell.




Sumulyap sakin si Rowan bago kinuha sa anak namin yung picture.




"Sure, I'll keep it." Rowan smiled widely tapos binuhat nya yung anak namin.




Napaiwas nalang ako tingin at napasimangot.



Bigla kong naalala yung babae. Nginitian ko sya at nag pasalamat.




"Where do you want to go next?" I heard Rowan asked.



May next pa? Kanila pa kaming pagala gala dito sa loob ng mall. Hindi ba sya napapagod?





"Let's go home na Papa, Mama is already tired."




Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon