Chapter 6

360 16 2
                                    





"Kapag napatunayan ng kahit sino mang nagtatrabaho dito sa barko na nagkasala ka o lumabag sa patakaran ng barko ay maaari kang kasuhan at makulong. Kaya hanggang maaga pa ay sabihin na natin kay Mr. Morales ang kalagayan mo para matulungan ka nya."






Hindi ko alam kung dapat ko bang sundin ang sabi ni lola. Natatakot ako, ayaw kong maungkat ang tunay na dahilan kung bakit ako napadpad dito.  Tama na yung sinabi ko na kaya lang ako nakapag tago sa may compartment ng kotse ay tinakasan ko ang aking ama na may masamang balak sakin.





"Mga iresponsableng guwardya! Makakarating ito kay Lorenzo." Nagagalit na turan ni lola



Mabilis akong napailing. Kahit hndi ko kilala yung binanggit nitong Lorenzo ay alam kong malaki ang koneksyon nito sa barko.



"Lola wag na po. Kasalanan ko rin naman po ang nangyayari sakin." Halos maiyak na ako.







"Eh anong gagawin mong bata ka? Alam mo ba kung ilang araw tayo dito sa barko? Kapag nakarating na tayo ng Tasmania anong gagawin mo? Mas lalo kang mapapahamak, kaya hanggang maaga pa ay dapat ipaalam na natin kay Mr. Morales ang sitwasyon mo."





Napaluha nalang ako dahil sa aking narinig. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang desisyon ko na sabihin dito ang nangyari sakin. Akala ko ay maiintindihan ako nito. Pero hindi rin pala.




"Wag na po lola. Nagmamaka awa po ako sa inyo. Wag nyo pong sasabihin sa kahit sino ang sitwasyon ko ngayon." Humagulhol na ako sa iyak.





Humawak ito sakin at hinaplos ang aking likod. Sinusubukan nya akong patahanin at kalmahin.





"Maghunos dili ka Triana. Tinutulungan kita sa dapat mong gawin." Pag aalo nito.




Napailing ako at natarantang napatayo.




"Maraming salamat po sa pag tulong nyo sa akin. Pero nakiki usap po ako sa inyo. Huwag nyo pong sasabihin sa iba ang nalaman nyo---"pagmamaka awa ko.




"Huwag po kayong mag alala hindi na po ako lalapit sa inyo.." napatango tango ako. Nawawala na sa aking sarili.  "Opo. Hindi po ako hihingi ng tulong sa inyo basta itago nyo lang po ang mga nalaman nyo. Aalis na po ako dito sa kwarto nyo--- hindi ko po kayo gagambalain....maraming salamat po uli."




Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon nito. Mabilis akong lumabas ng kwarto at hindi pinansin kung saan ako dalhin ng mga paa ko.





.....







Tulala ako habang pinagmamasdan ang nag kukulay kahel na langit. Gaya kahapon ay dito ako sa labas ng barko nag papalipas ng gabi. Yakap yakap ko ang aking mga binti habang naka upo sa may bench.


Ngayong araw ang pangatlong gabi ko dito sa barko. Naalala ko yung ginawa ko kagabi. Dahil sa gutom ay napilitan akong pumuslit sa isang kusina ng restaurant para mag hanap ng makakakain. May nakita rin akong tinapay kaya kumuha na rin ako para makain ko kapag nagutom muli ako. Siguro bukas ay muli ko iyong gagawin para may makain muli ako.



Isa ko pang pinoproblema ang damit.  Dapat pala ay nakuha ko yung luma kong damit sa kwarto ni Lola Josephine. Ang suot ko kasi ngayon ay yung binigay sakin nito nuong unang gabi na natulog ako sa silid nito.






Nag iingat na rin pala ako para hindi mag tagpo ang landas namin. Nahihiya ako ditong mag pakita. Hindi ko na alam kung paano ko pa ito pakikitunguhan pagkatapos ng ginawa ko.





Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon