Chapter 32

332 18 8
                                    


Tuluyan na akong nagising ng hindi maibsan ng
makapal na kumot ang lamig na sumisiit sa aking katawan.




Napa tingin ako sa aking harapan at napansing nakabukas ng konti yung sliding door. Napaungol ako dahil hindi ko alam kung bakit naka bukas iyon. Sa pagkaka alala ko ng matulog ako ay sinaraduhan ko iyon. Hindi ko narin kita ang nasa labas nito dahil sa nakaharang na kurtina.





Tumayo ako at naglakad palapit sa may sliding door para isarado iyon. Pero ng mapasilip ako sa labas ay madilim pa at nahagip ng mga mata ko si Rowan at Zaraya na seryosong nag uusap.






Wala naman akong balak na makinig sa pinag uusapan nila pero hindi ko alam kung bakit sinasabi ng katawan ko na mag stay sa likod ng kurtina at makinig sa dalwa.






Napapikit ako at napahinga ng malalim. Alam kong masama ang nakikinig sa usapan ng iba pero parang may pakiramdam ako na hindi ko masabi.





"She's not that kind of person Zaraya." Rinig kong sabi ni Rowan. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy nya.






"I'm also kind when I pretend. " Si Zaraya na parang may gustong iparating. "Mabait ako kapag alam kong may kasalanan ako. Mabait ako noon, dahil alam kong nagsisinungaling ako. Mabait ako kapag may kailangan akong makuha. Kahit nagsisi na ako sa mga nagawa kong kasalanan ay naging masama parin ako at hindi ko na iyon mababago. Ang magagawa ko nalang ay ang mag sisi-----





Tumigil ito at humugot ng malalim na hininga bago nag patuloy.






"I'm not saying that she's a bad person. Ayaw ko lang na mayroong babae na kagaya ko ang mag take advantage sayo--- o kahit kanino sa inyo. Concern lang ako dahil nagawa kong mag sinungaling para may maawa sakin. Hindi ko naman nilalahat ang mga babae, pero alam kong hindi ako nag iisa sa mundo. Hindi ko sinasabi na kaparehas ko sya, pero you just met her. Wala pang isang buwan mo syang nakakasama. Hindi mo pa sya lubusang kakilala. Kaya please, just find the truth Rowan, I hope na pumunta kang catanduanes para malaman mong nag sasabi sya ng totoo. And if I'm wrong then I'm sorry. Ayaw ko lang ma take for granted ka"






Napalunok ako dahil sa huli kong narinig. Ako ang pinag uusapan nila. Gusto ni Zaraya na pumunta si Rowan sa lugar ko para malaman kung nagsasabi ba ako ng totoo.





"Find the truth for your own sakeness Rowan. Sabi mo nga she accidentally killed that kapitan on her town because he tried to rape her. Let's say it's true. Then itatago mo ba sya sa batas kahit hinahanap na sya? You're already acompliance if it's true. Sisirain mo ang pangalan nyo dahil sa kanya---at saka hindi ba dapat sa halip na itago ay dapat isuko sya sa batas para maipagtanggol nya ang kanyang sarili at para malaman ng lahat na inosente sya at hindi nya sinasadya ang nagawa?"





Parang naninikip ang aking dibdib ng makita ang reaksyon ni Rowan. Parang sang ayon ito sa naririnig.




"You're right. Don't worry Zaraya, I'll do that once we got back to philippines."




Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat at para hindi makagawa ng ingay. Nag simula narin mag landasan ang mga luha sa dalwa kong mata.



"The day after tomorrow Rowan, please do that as soon as possible."



Unti unti akong napa atras dahil hindi ko na kayang makinig pa sa usapan nila.



Mabilis akong bumalik sa aking pagkakahiga at binalot ang aking sarili sa kumot. Tumagilid ako at mahina na akong napa hikbi.





Kahit nag sasabi ako ng totoo ay gagawin ni Rowan ang sinabi ni Zaraya. Wala naman akong dapat ikatakot dahil totoo lang naman ang aking mga sinabi. Pero kapag nalaman ni Rowan na aksidente ko ngang napatay si Yeren ay pipiliin nito ang tama na isuko ako sa batas, para patunayan ang aking sarili na inosente ako. Pero sino bang maniniwala sakin na inosente ako? Kakampi ng mga Guevara ang batas. Mayaman sila at paniguradong gagawa sila ng ebidensya para mas lalo akong idiin at walang magagawa ang kahit sino para matulungan ako.



Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon