Chapter 14

317 10 2
                                    


Dalwang araw na ang lumipas ng huli kong makita si Mr. Morales. Alam kong okay na yung huling usapan namin na tatawagin ko na sya sa unang pangalan nya. Pero siguro kaya ko lang syang tawagin sa unang pangalan kapag kaming dalwa lang ang mag kasama.



Naglibot libot nalang ako sa loob ng barko dahil wala rin naman akong magawa sa loob ng silid ni Lola Josephine. Napadpad ako sa isang silid na puno ng mga painting. Namangha ako sa aking nakikita. Sobrang gaganda ng mga larawan parang mga dalubhasa talaga ang may akda ng bawat larawan.




May isang larawan na umagaw ng pansin ko. Lumapit ako sa may una upang pagmasdan ng mabuti ang larawan.




Isang normal na bangka tapos sa dulo ng bangka ay nakaupo ang isang lalaki habang nakatingin sa may dalampasigan kung saan may isang babae na tila dinadakip ng mga kalalakihan.




Ang mukha ng babae ay tila nahingi ng tulong sa lalaki, pero ang lalaki ay mas piniling magpadala sa agos ng dagat habang nakaupo sa may bangka.





Alam kong painting lang ito pero hindi ko maiwasang hindi maluha.




Napakababaw ko naman pero nalukungkot ako para sa babae sa larawan. Parang ang nais iparating ng larawan ay ang taong kinakapitan ng babae ay mas piniling iwan sya sa kapahamakan.





Napasinghot nalang ako at pinahid ang basang pisngi. Natawa ako sa aking sarili.





"Ano ba naman to pati painting iniiyakan ko?" Napailing nalang ako at mas piniling lisanin na ang silid.



Pag labas ko ay nahagip ng mata ko si Mr. Morales. Parang nakita ko syang tumingin sa may pwesto ko pero agad din naglakad paalis.



Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako kung nakita ko nga ba syang nakatingin sakin. Pero sigurado ako eh. Parang wala lang dito na makita ako.




Nakaramdam ako ng kirot dahil sa naisip pero pinag sawalang bahala ko nalang iyon dahil baka busy lang sya kaya hindi ako pinansin.





Kinagabihan niyakag ako ni Lola na kumain sa may Oceanic Restaurant. Hinihintay nalang namin na iserved samin yung mga inorder.






"9 nights and 10 days nalang tayo dito sa barko kaya dapat ay sulitin mo na ang mga araw dito. Hindi mo pa na tr-try maligo sa may swimming pool. Wala ka naman dapat ikahiya dahil kita ko namang maganda ang pangangatawan mo."






Nahihiya akong napangiti dahil sa sinabi ni lola. Nasubukan ko ng pumunta sa may pool area at nakita kong puro mga naka two piece lang ang mga babaeng nandoroon.



Hindi ko ata kayang mag suot ng ganoong damit sa harap ng madaming tao. Saka hindi naman maganda ang katawan ko gaya ng sinabi ni lola.





"Hello Mrs. Fontanez, good evening."





Napatingin ako sa may nagsalita sa aming tabi. Isa syang crew dito sa restaurant at may kasama pa syang isa na bumati rin samin. Dala na nila ang mga pagkain na inorder namin at isa isang nilagay sa may lamesa.






Nagpasalamat si lola ng matapos ang mga ito sa ginagawa.




Habang kumakain kami ay madaming kinikwento sakin si Lola. Kung paano sila nagkakilala ng asawa niya tapos kung paano sya nag kagusto dito.




Dalwa lang pala ang naging anak nila. Parehas lalaki, tapos yung isang anak nila ay umalis sa poder nila ng mag 18 years old na ito. Hindi daw nila alam kung bakit ito umalis at nagalit sa kanilang mag asawa. Ang iniisip lang nila ay dahil baka iniisip nito na mas pabor lagi silang mag asawa sa panganay nila. Kaya hanggang sa mag asawa ito ay hindi sila sinabihan tapos hindi rin pinakilala sa kanila ang naging pamilya nito.



Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon