Chapter 17

283 16 1
                                    



Kahapon pa ako hindi mapakali dahil wala namang sinabi sakin si Mr. Morales sa plano nito. Pag katapos kong mag kwento ay pinabalik na nya ako sa suite ni Lola. Ang sabi lang nya ay pag iisipan daw nya ang gagawin at wag daw ako gagawa ng kahit anong gulo dito sa barko.






Para naman may gagawin akong gulo dito. Hindi naman ako masamang tao, ang gusto ko lang naman ay maging ligtas ako.






"Maiwan na kita Triana. May usapan lang kami nina Mrs. Gomez at Madam Chantal."





"Sige po Lola." Nginitian ko sya.




Hindi ko sinabi kay Lola ang nangyari samin ni Mr. Morales. Natatakot ako na baka magalit sya dahil nag sinungaling ako sa kanya. Hindi ko kinwento sa kanya ang buong pangyayari. At natatakot ako na baka husgahan nya ako at hindi na ako tulungan.






Napabuga nalang ako ng hininga dahil sa problemang iniisip. Sana maawa sakin si Mr. Morales. Sana maniwala sya sa sinasabi ko.




....





"What took you so long?" Inis na mukha ang bumungad sakin pag pasok ko ng suite ni Mr. Morales.



Ng makasalubong ko sya kanina ay sinabi nya saking pumunta ako sa suite nya.





"Sorry, nag paalam pa kasi ako kay lola." Mahina kong sabi at napayuko nalang.






Hindi sya umimik, tanging malalim na hinga lang niya ang aking narinig.






"Did you tell her that I know?"




Marahan akong nag angat ng tingin saka umiling sa kanya.





"Good. Don't tell her that I know."





Alam kong hindi pa nya sinsabing tutulungan nya ako. Pero dahil sa huling sinabi niya ay parang nakaramdam ako ng kaginhawaan.





"Naniniwala kana sakin? Hindi mo na ba ako ibabalik sa Magnesia?" Nagagalak kong tanong.





Napatitig sya sakin. Hindi ko alam kung awa ba yung nakikita ko sa mga mata nya. Pero malamlam ang mga iyon at alam kong hindi ako gagawan ng masama ng mga matang iyon.





"Did you tell me everything?" Masinsing nyang tanong.






Tumango ako. "Oo. Yun lang ang nangyari ng araw na iyon."




Kita kong huminga sya ng malalim pag katapos ay tumayo sya. Hindi nya tinanggal ang tingin sakin, parang hindi parin sya sigurado sa plano nya.




Binasa niya ang kanyang mga labi saka marahang naglakad palapit sakin.




Napalunok ako ng maramdamang umupo sya sa tabi ko. Kakaibang kaba ang batid nuon sakin.




Nagulat nalang ako at napatingin sa kanya ng maramdamang humaplos ang kanyang palad sa aking braso.





"Where did he hurt you?" Halos pabulong nyang sabi.





Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi naman ako natatakot pero sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.




"Did he gave you that bruises? The bruises that I saw here." Tukoy nya sa may braso ko.




Ang totoo nyan hindi ko alam kung saan ko ba yun nakuha. Kung kay Yeren ba, kay papa or nakuha ko iyon ng tumatakbo ako sa gubat.





Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon