Chapter 46

372 19 4
                                    

Ramdam ko ang mga matang nakatingin sakin habang nirereview ko ang contract. Ang totoo nyan ay hindi ko talaga masyadong binabasa ang kontrata. Nang nasa unang page palang kasi ako ay parang naiwan ang utak ko sa may unahan. Hindi ko na maintindihan ang binabasa ko sa hindi malamang dahilan.





Nakakapagtaka kasi, oo noong isang araw muli akong pinag bantaan ni Rowan na ibabalik daw nya ako sa pinanggalingan ko kapag nalaman nya kung san ako napulot ng magulang nya. Pero wala namang bago duon dahil alam kong galit sya. Pero kahapon kasi naman ay okay kami at hindi nya ako inaaway tapos mahinahon pa syang makipag usap sakin.






Kaya bakit may biglaang ganto? Ano yun day off lang ba sya kahapon? Pagod? Moody lang ba talaga sya?---oh matagal na ba nila itong plano?  Iniisip ko kung anong sasabihin ni Tito pag nalaman nya ito. Pero hindi pwedeng kami ang mag aatras ng kontrata.






Napahinga ako ng malalim at inilipat ang susunod na papel.





Shit talaga! Wala akong maintindihan.





Bahala na nga!





Hinanap ng mata ko si Jonas. "Jonas, do you have copy of this contract?"





Tumingin ito sakin at umoo.






"Please, include my name here and reprint the contract."






Nagaalangan syang sumagot sakin, tumingin ito kay Rowan tila hindi alam ang gagawin. Well, I understand him, si Rowan ang boss nya.





I slightly rose my brows as Rowan didn't signal Jonas to follow me.





Sinulyapan ko ang dlwang director ng La Inertia. Nakatingin sila kay Rowan at tumango na hayaan si Jonas sa gusto ko.





Napangiti nalang ako ng makitang nag go signal na si Rowan tapos lumapit sakin si Jonas na tila may gusto pang iconfirm.





"Tatanggalin ko po yung pangalan ni Sir Rowan sa kontrata?" Halos ay pabulong nitong tanong.





Nag angat ako ng tingin kay Rowan, ngayon naman ay hindi ko mabasa ang expression nya. Napa isip ako kung ipapatanggal ko ba ang pangalan nya. Pero isa lang ang naman ang kailangan na pipirma sa kontrata kaya kahit hindi na sya. Tutal ay hindi naman din sya mag tatagal dito, kasi nga acting CEO lang naman sya.






"Yes please, isa lang ang kailangang mag sisign."





I don't think na naririnig nila ang pinag uusapan namin ni Jonas. Mahaba rin kasi ang table tapos nasa pabandang unahan sila tapos kami ay nasa padulo.




Tumango si Jonas at lumabas ng conference room. Huminga ako ng malalim at tumayo para lapitan si Mr. Leander.






"Mr. Leander." Tawag ko dito.






Tumayo ito at pormal muling bumati.






"Let's wait for Sir Rowan's secretary, nag reprint lang ng contract."





"Sure. No problem." Sabi nito.





"Anyway, I heard that after this, there may be a meeting regarding the furniture project for your new ship?" Pag coconfirm ko.





"Well, if the contract signing is successful. And binubuild palang yung bagong barko."






Napatango ako. "Cruise ship or ocean liner?"






Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon