Chapter 13

189 8 3
                                    




Nakatingin lang ako kay Mr. Morales habang nag kekwento sya sakin about sa nangyari kung bakit sya ang naging acting captain ng barkong sinasakyan namin.


Yung kapitan sana ng barko na kaibigan daw nya ay nagkaroon ng malaking problema kaya hindi ito nakasipot. Wala na rin daw available na ship captain sa CICL dahil ang iba ay nasa bakasyon at ang iba ay nasa ibang barko na. Hindi naman daw pwede si Captain Lorenzo, which is yung may ari ng buong CICL dahil hindi nito maiwan iwan ang may sakit na asawa.


Hindi daw pwedeng idelayed ang flight dahil madaming mag rereklamo at ayaw nila ng dahil duon ay magkaroon ng bad image ang barko o ang kompanya sa publiko. Yung pagiging acting captain nya naman daw ay dumaan sa proseso. Pinag meetingan naman daw ito ng mga board member ng CICL. Kaya kahit may anim na buwan pang nag hihintay sa lisensya nito ay sya na ang naisipan ng mga matataas na ilagay sa posisyon.







"Nasaan ba yung kaibigan mo ngayon?" Kuryuso kong tanong.





Natigilan sya sa aking tanong. Binasa nito ang labi tila nag dadalwang isip kung dapat bang sagutin ang aking tanong.






"Nasa isang isla may pinuntahang babae."





Napatango nalang ako sa sinabi nya. Ang sabi nya kanina ay may malaking problema ito, ibig sabihin ang problema ng kaibigan nya ay yung babae.






"What he's doing is a crime----







Bigla akong napa ayos ng upo dahil sa narinig.



Anong crime na sinasabi nya?



"Fornicating with a married woman is a crime---a sin----





Hindi ko alam ang ibig sabihin sabihin ng fornicating pero sa tono ng boses nya ay alam ko na ang tinutukoy nya.




"It is also against the rule on our fort and I am not tolerating his action but-----"





Mapait syang ngumiti sakin, parang gusto nyang maintindihan ko sya.





"----but he's also my friend, more like a brother, that's why I can't simply abandon him. I told him that he's doing is wrong---a sin. And that's enough for me. Ayaw kong mag away kami kapag pinaka alaman ko uli yung ginagawa nya."




Naiintindihan ko naman sya. Ayaw nyang masayang yung pinagsamahan nilang mag kaibigan.





"But I am sure of one thing. If anything goes wrong behind on what he's doing----if they caught. And he needs help or friend----I'll be on his side."






Napangiti ako sa huli nyang sinabi. Alam ko na kung bakit gustong gusto sya ni Lola para sa apo nito. Sobrang bait talaga nya, hindi lang sa kaibigan nya kundi sa lahat ng tao.







"I hope you don't judge me." Sabi pa nya.





Mabilis akong umiling sa kanya.






"Naiintindiham ko. Kaya pala maraming nag kakagusto sayo dito."






Nangunot ang noo nya pero may maliit na ngiti sa labi.






"How do you say so?" Mas lumapad pa ang ngiti nya.





Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahiya. Siguro dahil sa ngiti nya kaya na didistract ako.





Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon