Chapter 26

572 14 1
                                    



Gabi na ng bumalik ako sa suite ni Rowan dahil niyakag narin ako ni Engineer Alcazar kumain ng hapunan. Kinwento nya sakin kung bakit nasabi sa kanya ni Lola ang sitwasyon ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit alam din nya ang totoong nangyari sa Magnesia. Hindi nya sinabi sakin kung paano nya nalaman pero wala daw akong dapat ipag alala dahil wala naman daw syang pag sasabihang iba.




May isa lang syang nirequest sakin, huwag ko daw sasabihin kay Rowan na alam nya. Hindi nya sinabi sakin ang reason, basta sundin ko na lang daw sya.





Parehas nga silang mag kaibigan. Ang gusto ang laging masusunod.





Pero hindi ko alam kung kaya ko bang ilihim kay Rowan itong nalaman ko. Alam kong mag kaibigan sila pero hindi maalis sa isip ko na mag sisinungaling ako. Nasa kanya ako ngayon, sya ang tumutulong sakin. Hindi ko ata kayang mag sinungaling. At saka dapat nag titiwala lang ako kay Rowan, sya lang ang isang tao na alam kong tutulungan ako kahit anong mangyari.






Napabuntong hininga ako at naisipang lumabas ng kwarto. Hindi ko nakita sa may couch si Rowan, nag tataka ako dahil hating gabi na pero hindi parin sya nag papahinga.






Hindi pa ba sya bumabalik?






Mabilis akong bumaba sa may hagdanan. Ng nasa kalagitnaan na ako ay bumagal ang aking hakbang ng mapansin ko sya sa may sofa.







Kita kong napa sulyap sya sakin pero hindi ako pinansin at binalik ang atensyon sa ginagawa.






Napalunok ako. Pakiramdam ko ay may nagawa na naman akong mali.






"Hi. Anong oras ka nakabalik? Hindi ka pa nag papahinga." Siniglahan ko ang sabi kahit pakiramdam ko galit sya.






Sumulyap lang sya uli sakin saglit tapos binalik ang tingin sa mga papel na hawak.





Napanguso nalang ako at marahang umupo sa tabi nya.






"Ikaw dapat ang nagpapahinga na." Bigla niyang sabi na parang nanunuya ang boses.






May nagawa ba uli akong hindi nya nagustuhan?







"Galit ka ulit?" Mahina kong tanong








"I'm busy Triana. Matulog ka na mukhang ikaw ang napagod sa ginawa mo kanina."






Ha? May ideya ba sya kung anong ginawa ko kanina. At saka yung kaibigan naman nya ang kasama ko kanina ah. Tapos ang sarcastic pa ng tono nya.





Hindi kaya galit sya dahil akala nya sinuway ko yung utos nya na wag akong maki salamuha sa ibang tao.





Hindi ba exempted ang kanyang mga kaibigan?






"Kaibigan mo naman si Engineer Alcazar kaya kampante ako na walang magiging problema. Wala rin kasi akong maisipan na mapuntahan kanina kaya ng inalok nya ako na kung gusto ko ba daw makita yung engine room ay pumayag na ako."






Kita kong natigilan sya, pero nasa mga papel parin ang atensyon.





"Kagaya din ba sya ng mga lalaking sinasabi mo na sa una lang mabait tapos may masama rin naman palang intensyon?" Kalmado kong tanong.





Napatingala na sya sakin at seryoso akong tiningnan pero bahadyang nakataas ang isang kilay.





"Mabait sayo si Gael?"






Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon