"Gusto kong ipakilala mo ako kay Oswell bilang ama nya."
Napatigil ako sa aking ginagawa dahil sa gulat sa sinabi ni Rowan. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay naka upo na sa may sofa dito sa aking office.
Akala ko ay iba na naman ang pakay nya. Mag iisang linggo na syang pabalik balik dito at puro paratang lang ang sadya nya. Mabuti naman at tungkol sa anak namin ang sadya ngayon.
"Sige." I smiled halfly then binalik ang aking atensyon sa ginagawa.
Hindi ko na sya narinig pang umimik at nagulat nalang ako ng biglang umikot ang aking inuupuang swivel chair at ng mas lalong nanlaki ang mga mata ng makita ko sya harapan ko habang ang dalwang kamay nito ay nasa magkabilang arm rest ng aking inuupuan. At control nito ang upuan pati na ako.
Hindi ko sinasadyang salubungin ang tingin nya kaya mas lalo akong nawala sa sarili. Hindi ako maka pagsalita at makagalaw dahil sa posisyon namin.
"Stop annoying me Triana!" He firmly said.
Anong annoying? Hindi ko naman sya iniinis ah.
"A-ano bang si-sinasabi mo? Hi-hindi naman kita ini-inis ah." Nauutal kong sabi.
Damn! Bakit ba ako kinikabahan. Dapat ay pinapaalis ko na sya sa harap ko.
Hinagalilap ko ang aking sarili, hindi ko alam kung saang dimensyon ng mundo pero hindi ko mahanap dahil sobrang lapit nya sakin at nadidistract ako doon.
"Stop acting that way." Nakatitig nyang sabi
Ano bang sinasabi nya. Hindi ko sya maintindihan.
"Hindi kita maintindihan. Deretsuhin mo na." Pinilit kong lakasan ang boses ko pero kaba ang lumabas doon.
"You talk so calm and you're pissing me of." He gritted his teeth.
Ha? Napakunot ako ng noo. Ay ano bang gusto nya, kapag malakas boses nya dapat malakas din ang pakikipag usap ko?
Bigla akong nairita sa kanya.
Ng dahil dun ay bigla nalang akong nabalik sa katinuan at mabilis syang tinulak para matanggal ang pagkakahawak nya sa magkabilang arm rest ng upuan ko.
Agad akong tumayo at galit syang tiningnan.
"Ano ba Rowan! Nag tatrabaho ako!" Naiirita kong sabi. "Ano bang gusto mo, kapag galit ka makipag usap, dapat galit din boses ko? Kapag nang insulto ka dapat man insulto rin ako? Kapag masungit, masungit din dapat ako?----hindi kita maintindihan! Alam kong galit ka sakin at wala akong magagawa dun kung ikaw din ang hindi tatanggap sa nangyari."
Napahagpos nalang ako sa aking buhok at nag iwas na sa kanya ng tingin. Nakaka inis na ah.
Hindi ko sya narinig na umimik pa, kaya mas lalo akong nairita.
Anong trip nya? Bakit ayaw naman nyang sumagot. Ito na nga malakas at galit na rin ang boses ko. Kaya muli ko syang binalingan ng tingin.
"Bakit ka na naman ba nandito? Hindi ka ba nag sasawang dalawin ako dito para lang dyan sa tantrums mo?" Inis ang tono ko.
Kita ko ang pag kunot ng noo nya at bahadyang pag iwas sakin ng tingin. Ewan ko, parang nahiya sya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...