Chapter 22

571 14 5
                                    



Gaya ng sabi ni Mr. Morales, este ni Rowan pala ay hindi ako masyadong nakikihalubiho sa mga tao. Kahit nakikipag usap ako sa iba ay hindi ko naman iyon hinahayaang mag tagal.




Hindi ko narin sya tinatawag na Mr. Morales dahil sabi nya kung gusto ko daw maging mag kaibigan kami ay tawagin ko na sya sa kanyang pangalan.





Sobrang saya ko dahil okay kami at maayos ang nagiging takbo ng mga araw dito sa barko. Apat na  araw narin ang lumipas.





Medyo maingat nga rin ako kapag nalabas at napasok ako ng suite ni Rowan dahil baka mapag chismisan pa kami. Tapos sabi pa nya tuwing friday nalang daw sya mag papapunta ng housekeeping sa may suite nya para mag linis, sabi ko naman kahit ako nalang mag linis pero bawal daw yun at may mga naka assign daw talaga na mag linis sa mga kwarto. Ang normal nga daw sa kanila three times a week na may nag ho-housekeeping pero ayun nga sinabihan nyang isang beses nalang pumunta sa kwarto.









Nandito nga pala ako sa may roof deck para mag palipas muli ng oras. Ayaw ko kasi masyado sa loob, umiiwas din ako sa mga taong nakakakilala sakin na apo ako ni Lola Josephine.




Sayang, kung may cellphone lang sana ako may nagagawa ako ngayon. Gusto ko sanang mag karoon ng remembrance dito sa barko kaso mukhang sa alaala nalang iyon mangyayari.







Sumandal ako sa may railing at pinagmasdan ang mga tao na nag lalabas masok dito sa may deck. May mga mag asawa, tapos boyfriend girlfriend. Mayroon ding kasama yung mga anak nila tapos may mga mag kakaibigan.






Sobrang sarap nilang panoodin, pero nakakalumbay din dahil sila may mga kasama samantalang ako, mag isa lang dito.





Napanguso nalang ako at napatingala sa kalangitan.






Saglit lang din ay nag baba ako ng tingin dahil nasisilaw ako ng liwanag. Bumalik ang aking tingin sa may pinto papasok ng loob.





Napa ayos ako ng tayo ng makita ko sina Rowan kasama yung ibang officer na parang nag lilibot. Iyon siguro yung sinasabi nya sakin na may mandatory checking sila every week sa lahat ng sulok dito sa barko.





Pansin kong napatingin sya sa gawi ko, kahit gusto kong kumaway sakanya ay nahihiya naman ako dahil baka kung anong isipin ng mga kasamahan nya, kaya ngumiti nalang ako.





"Hi Miss."



Agad akong napabaling sa may gilid ko ng may marinig akong boses.





Foreigner na lalaki na may malapad na ngiti sa labi.






"Hello po." Bati ko.





"You were alone by yourself, so I came to approach you---




Hindi agad ako naka imik dahil bigla uli syang nag salita.




"Do you mind i I join you?"





Binasa ko ang aking labi dahil nag dadalwang isip ako sa isasagot ko.




Kung sasagot ba ako ng tagalog ay maiintidihan nito?



"Sorry, i don't speak too much english. Only tagalog."



Ngumiti ang lalaking amerikano at pinatong nito ang isang kamay sa may railing sa gilid ko.


"Don't worry, Intindi ako tagalog pero hindi ako asado salita tagalog....it's fine, it's fine. Salita ka tagalog ako english.----




Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon