Chapter 10

217 11 1
                                    


"Sorry po." Hinging paumanhin ko.




Narinig ko ang mahinang tawa ni Lola.





"Baka naman si Captain Morales ang nagugustuhan mo dito Iha. Narinig mo lang ang boses ay nagulat ka na." Nanunudyong sabi ni Mr. Arbes.






Pati yung iba ay sumabay na rin sa panunudyo sakin.






Hindi na ako maka imik sa sobrang kahihiyan.






Parang ayaw ko nanlang tumunghay dahil alam kong nasakin ang buon atensyon.






"Bata pa Mr. Arbes. Baka hindi ako payagan ni Mrs. Fontanez " rinig kong sabi ni Mr. Morales.





Hindi ko alam kung sinong tinutukoy nyang bata pa. Kung sya o ako. Pero ng dahil sa sinabi nya mas lalo akong nahiya. Tapos nag tawanan ang mga matatanda.






Mas lalong ayaw kong tingnan ang kahit sino. Sobrang nakakahiya. Paniguradong sobra na akong namumula sa hiya.






"Naku, imposibleng maglaan ng oras si Captain sa isang babae." Rinig kong biro ng isang lalaki. Hindi ko na kilala. Ng dahil sa kahihiyan nalimutan ko na ang pangalan ng iba. At dahil nga nakayuko lang ako ay hindi ko rin kita ang nag salita.






"Walang imposible Mr. Galvan." Sabi ni Madam Chantal.





"Kilala mo na ba Captain ang isa pang apo ni Mrs. Fontanez." Si Madam Chantal uli.





"Yes Madam Chantal, I met her the other day."





Narinig kong sagot ni Mr. Morales. Parang duon sya umupo sa tabi ni Engineer Alcazar.






Sa harapan ko pa talaga. Parang hindi na ata ako makakain ng ayos.






Napatunghay nalabg ako ng sinabihan ako ni Lola na umayos daw ako at makisama nalang. Pero isa naman sya sa nanunudyo sakin kaya mas lalo pa akong nahihiya.




Hindi nalang ako naimik at pangiti ngiti nalang kahit hiyang hiya na.






"I heard that Mr. Morales is already engaged." Rinig kong sabi ng isang matanda.





"Not true Madam Andra." Rinig kong sagot ni Mr. Morales.





Madaming umalma dahil nagulat sila sa narinig.






"Oh it came to your mother." Sabi ni Mrs. Lantican.






Hindi ko na maiwasang hindi mapatingin sa harapan ko. Nakaka curious kasi ang mga naririnig ko.




Na issue palang na engaged na sya. Bakit kaya hindi natuloy?






"It's misunderstanding Madam Andra."  Ngumiti ito.





Nakikinig lang ako sa usapan nila. Pero pansin ko sa bawat usapan ay iniiwasan ni Mr. Morales na pag usapan kapag tungkol sa pamilya nya.






Medyo nagugutom narin ako dahil sa mga pag kaing nasa harap namin. Siguro kung hindi ako gumawa ng eksena kanina ay hindi naudlot kainan.






Mabuti nalang ay nag yakag na si Madam Chantal na ituloy na ang salo salo.




Tahimik lang ako habang kumakain. Pero ang dami kong naririnig na ugong dahil bawat isa ay nag may ka usap.




Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon