"Lapit na."
Napapasulyap ako kay Monica sa tuwing mariring ang masaya nitong tinig tila kinaka usap ang sarili.
Siguro ay excited narin syang makarating kami sa may Palau. Apat na linggo na kaming naglalayag at dapat sa isang araw ay nasa may Palau na kami pero dahil sumama ang panahon ng makarating kaming Nyada ay nag palalipas kami ng tatlong araw doon. Mahirap narin kasi kung aabutin kami ng sama ng panahon sa kalagitnaan ng karagatan.
Pero nang nasa may Nyada na kami ay naka usap ko si Rowan sa telepono ng ilang beses. Pero saglit lang din dahil laging napuputol ang aming tawagan. Siguro ay dahil sa klima ng panahon kaya nahina ang internet.
Sabi pa ni Monica ay hindi na aabutin ng isang linggo ay makakarating na kami sa may Palau.
Kung sya ay excited na at nalalapitan na sa araw. Ako naman ay inip na inip na. Pakiramdam ko nga ay buong buhay ko ng hinihintay na makarating ako sa may Palau eh.
"Triana!"
Napatingin ako kay Monica, nagtataka ang mukha nya.
"You okay?" Tanong nya.
Pinaglapat ko ang aking mga labi at tumango sa kanya.
Akala ko ay may saaabihin pa sya pero pinakatitigan nya ako na parang pinag aaralan ang aking mukha.
Bigla naman akong nahiya at napa hagpos sa aking pisngi dahil baka may dumi ako doon.
"You know what?----
Tumigil sya at tila pinag iisipan pa kung dapat ba nyang sabihin sakin ang nasasa isip.
"Ano yun?" Naiilang kong sabi.
Ilang segundo parin syang tahimik, kapag kuwan ay napanguso nalang at umiling. Mukhang nag bago na ang isip.
Pero na curious ako kung bakit. Kaya tinanong ko sya.
"Ano yun Monica?"
"Wala, wag mo nalang akong pansinin." Natatawa niyang sabi.
Pero gusto ko talagang malaman yung iniisip nya. Nakaka intriga kasi sya eh.
"Sabihin mo na sakin Monica. Na iintriga ako kung ano yun?" Pagpupumilit ko.
"Naku, baka isipin mo naman ang damj kong napapansin.----
Umiling ako sa kanya. "Okay lang, sabihin mo na sakin."
"Sure ka ha? Baka magalit ka."
Tumango ako at nginitian sya na okay lang sakin kung ano mang maririnig ko.
"Nagkalaman ka na kasi. Noong unang araw kasi natin ay hindi naman ganan katawan mo. I'm not saying na pangit katawan mo ha. Maganda ka naman talaga, pero nag kalaman kasi yung mga pisngi mo tapos yung katawan mo ganun din. Medyo tumaba ka, siguro dahil puro kain lang tayo dito---
Tumigil sya at natawa sa huling sinabi.
----sabagay pati ako naman tumaba rin. Pero mas halata lang sayo, parang nahubog din kasi ang katawan mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/287876937-288-k348064.jpg)
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Roman d'amour⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...