Chapter 42

540 20 1
                                    


Kakalipad lang kahapon nina Tita papuntang america para duon mag pagaling si Tito. Three to six months lang naman sila duon. And never kong pinapansin si Rowan kapag nakikita at nakakasalubong ko sya sa bahay dahil hindi man lang nya hinatid sina Tito sa airport. Well hindi rin naman ako nakasama sa paghahatid, dahil gabi ang alis at ihahatid ko pa ang anak ko sa bahay. At saka hindi narin kami pinasama nina Tita. Pero sya! Wala lang syang consideration, hindi man lang dumalaw sa kahit nuong unaga. Na babad trip parin ako sa kanya. Napaka nya!





Anyway, ayaw ko ng ma stress dahil mag sspeech ako after iannounce sa buong La Inertia ang pagiging new COO ko. Though, alam na naman ng lahat, dahil mag fo-four weeks narin naman. Pero gusto kasi ni Tito ay merong formalities na magaganap. Anyway, dito lang naman din sa ground area ng La Inertia ang announcing.






Nilibot ko ang buong tingin ko sa paligid. Madaming tao, mukhang andito naman lahat ang mga empleyado ng La Inertia. Inaantay ko nalang tawagin ako para pumuntang unahan.





Napangiti ako ng malapad ng makitang nagsasalita na si Mr. Sanchez, isa sa mga board of directors. Nakakapagtaka nga lang bakit sya pa yung host, pwede naman kahit si Jonas nalang.





Or baka inutusan lang ni Tito Owen. Umayos ako ng tayo at pumalakpak narin ng makitang nagpapalakpakan ang lahat.






"So, on behalf of the owner of the La Inertia, Mr. Morales. I would like to welcome our new----






Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Nubayan nambitin pa kasi si Mr. Sanchez.







"I would like to welcome our new CEO....the son of the owner of La Inertia....A ship captain and pilot..... and ofcourse one of the bachelor business man in town....Mr. Rowan Morales."






Pakiramdam ko ay naubusan ako ng hangin sa katawan habang naririnig ang sinasabi Mr. Sanchez. Napuno ng palakpakan ang buong lugar na lalong nag pa lutang sakin..




Parang nahihirapan akong huminga. Anong nangyari? Bakit si Rowan ang inannounce. Ang sinabi sakin ni Tito ay ang board of director daw ang mag aassign ng acting CEO. Kaya bakit si Rowan?





"Ms. Trina akala ko ba ay ikaw ang ipapakilala?" I heard Riza asked.




Hindi ako umimik at napatingin nalang ako kay Rowan na nag sasalita na sa una.




Anong pinaplano nya? Ayaw nya sa La Inertia ah. Hindi ito ang forte nya, mas gusto nya sa barko. Doon dapat sya.





"Ms. Trina after po kayo ni Sir Rowan."





Napalingon ako kay Jonas na nag salita sa tabi ko. Seryoso ako at hindi ko matanggap na si Rowan ang bagong CEO ng La Inertia.





Umiling ako kay Jonas. "Hindi na, kilala na naman ako ng lahat."





Iniwan ko na sila at naglakad na ako papunta sa may elevator. Mukhang wala naman napakapansin sakin ng umalis ako dahil busy ang lahat kay Rowan.



Ganun. Tuwang tuwa sila, eh hindi nila alam kung anong totoong pakay dito ni Rowan.




Paniguradong gaganti yan, galit yan kay Tito kaya wala akong tiwala sa gagawin nya.





Hindi ako nag diretsyo sa office ko bagkus ay sa office ako ni Tito nag punta. Bago ako pumasok ay nakita kong naka print pa naman ang pangalan ni Tito sa pinto.





Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon