Hindi ako makatingin sa ina ni Rowan, hindi ko alam kung paano nya ako nakilala. Imposible namang nakekwento ako ni Rowan dahil sa pag kaka alam ko ay hindi sila ayos ng anak nya.
"Hindi po ako masamang tao." Mahina kong sabi.
"Well, I don't know----Hindi iyan ang sabi ng source ko ng pumunta itong catanduanes."
Agad akong napatingila sa narinig. Pina embistigahan nya ako. Kung gayon ay alam na nito ang ginawa ko sa catanduanes.
Umiling ako at nag simula ng mag landasan muli ang mga luha sa aking pisngi. "Hindi po ako masamang tao. Maniwala po kayo sakin. At saka hindi ko po ginamit ang anak nyo. Tinanggap ko lang po ang tulong nya dahil kailangan ko po ng tulong.....Maniwala po kayo sakin."
"Hindi mo ba planong mag pabuntis sa anak ko para gamitin ang bata at para tuluyan mo ng maitapon ang naging buhay mo sa Catanduanes?"
Mas lalo akong naiyak dahil sa tinuran nya.
"Hindi po, maniwala po kayo sakin. Hindi ko po alam na mabubuntis ako at kung alam ko pong mabubuntis ako ay sana hindi ko nalang binigay ang sarili ko sa anak nyo.----
Tumigil ako at pinahid ang aking pisngi.
"Wala po ito sa plano ko dahil hindi ko naman ito kayang bigyan ng magandang buhay. Ayaw ko pong mag kaanak dahil alam ko pong mahirap ang buhay kung wala kang pera. At wala po ako nun, ayaw ko pong maranasan ng magiging anak ko yung naging buhay ko sa catanduanes......sa maniwala po kayo at sa hindi ay isang beses lang naman may nangyari samin ng anak nyo kaya hindi ko po ito ineexpect."
Bahadyang tumaas ang kilay nito habang nakikinig sa simabi ko. "So anong plano mo sa bata?" Masungit ang tono nito.
Natigilan ako at napa isip nga sa gagawin. Kahit gusto kong sabihin kay Rowan ito ay hindi naman maaari dahil baka isuko parin nya ako sa batas.
Nakagat ko ang aking ibabang labi at naluluhang tiningnan ang ina ni Rowan. "Hindi ko po alam----hindi ko po alam kung dapat ko ba itong sabihin sa anak nyo."
"You better not."
Napatitig ako dito. Siguro masama ang iniisip nya sakin. Ayaw nyang sabihin ko sa anak nya na buntis ako dahil baka madamay ito sa aking problema.
"Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip ng anak ko at bakit piniling tulungan ka! Matalino ang anak ko at hindi ko maintindihan kung bakit hindi nito naisip na maaring mawala ang mga lahat ng dahil sayo!----hindi lang madedelayed ang lisensya nya bilang isang kapitan, baka pati yung lisensya ng pagiging piloto nya ay mawala din."
Napayuko nalang ako at walang naging imik. Ayaw ko naman talagang madamay si Rowan sa sitwasyon ko at mas lalong ayaw kong mawalan ito ng trabaho dahil sakin.
"Hindi kami maayos ng anak ko. Pero gusto ko alam ko parin ang nangyayari kay Rowan dahil anak ko sya at mahal ko parin sya----Kaya sino ba itong babaeng kinahuhumalingan ng anak ko?"
Napatingala uli ako.
Mabilis akong umiling dahil ayaw kong isipin nya na may relasyon kami ng anak nya.
"Wala po kaming relasyon ng anak nyo. Mag kaibigan lang po kami."
Ngumisi ito at tumingin sa may bandang tyan ko. "Kung mag kaibigan kayo ay bakit buntis ka ngayon?-----
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...