Chapter 27

283 11 3
                                    




Agad akong napalingon sa may likod ko ng may malakas na boses akong narinig. Alam kong hindi ako nito nakilala dahil gulo gulo ang aking buhok na humaharang sa may aking mukha.




"Anong ginagawa mo?"





Mabilis ko lang itong tiningnan at natatakot na tumingin sa may baba ko.



Marahan kong inangat ang isa kong kamay at nakitang may dugo ito. Nagsimula ng maglabasan ang luha sa aking dalwang mata.



Hindi ko sinasadya.





"Sino ka? Anong nangyayari?"






Hindi ko pinansin ang babae kahit rinig kong nasa likod ko na ito.


Rinig ko ang pag singhap nito at nagulat sa nakita.



"Ma'am Sheena!"





Tinulak ako ng babae kaya napahiga ako sa may sahig. Kita kong dinaluhan nya ang babae at inangat ang ulo nito.





"Ma'am Sheena!" Pilit nitong ginigising ang babae.



Lumakas na ang aking iyak. Hindi alam ang gagawin.



Binalingan ako ng babae at galit na tumingin sakin.




"Anong ginawa mo kay Ma'am Sheena?" Galit ang boses nito.




"Hi-hindi ko al----hi-ndi ako may ka-salanan." Nag kandautal utal kong sabi.




"Sinungaling ka! Ipapahuli kita!"sigaw nito sakin at muling binaling ang atensyon sa babae.




"Tulong!" Sigaw ng babae. "Tulong! Si Ma'am Sheena!"






Napalingon ako sa taas at sa aming ibaba. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Natataranta akong napatayo.




Kita kong sinusubakn buhatin ng babae yung assistant ng chief mate.




Hindi ko alam kung dapat ko ba syang tulungan. Natatakot ako! Ipapahuli nila ako.


Nagulat ako ng muling bumaling sakin ang babae.



"Tulungan mo ako! Sabi mo wala kang ginawa kaya tulungan mo ako." Sigaw nito.




Dahil sa gulat ay napatango ako at mabilis silang dinaluhan. Binuhat namin ang babae at nilabas namin ito sa may staircase.






"Tulong!" Sigaw ng babae.






Madami kaming napukaw na atensyon. May biglang lumapit sa aming lalaki at nag tanong.





Pansin ko rin sa boses nito na magulat ng makita kung sino yung buhat namin. Hinawi pa nito ang buhok sa mukha ng assistant ng chief mate para masigurado nga ang nakita.





"Sheena!"  Mabilis nitong kinuha samin ang babae at mabilis na pumasok sa loob ng barko. Sigurado akong sa infirmary sila pupunta.




Sumunod yung babaeng nakakita samin kanina. Habang ako ay tulala habang pinagmamasdan ang likod nilang papalayo sakin.




Sa rami kong naririnig na bulong bulungan sa paligid ay wala akong maintindihan. Pero isa lang ang napasok sa isip ko.






Mahuhuli na ako. Malalaman ng lahat na unwanted passenger ako ng barko. Iisipin nila na pinagtangkaan ko ang buhay ng assistant ng chief mate. Malalaman nila kung sino ba talaga ako at tagasaan. Iisipin ng lahat na masama akong tao.





Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon