Isang pamilyar na silid ang aking nabungadan pag mulat ng mga mata ko. Nagbalik ala ala sakin ang nangyari bago ako mapunta dito.
Hindi ko alam kung bakit andito ako sa silid ni Lola Josephine. Sa natatandaan ko may nag aassist saking crew para samahan akong papunta sa infirmary tapos bigla nalang akong nawalan ng malay habang naglalakad.
Napansin kong iba narin ang suot kong damit at medyo umaliwalas ang aking pakiramdam.
"Gising ka na pala."
Kakapasok lang ni Lola Josephine galing pinto. Papalapit sya sa aking kinahihigaan.
"Mabuti naman at gising ka na." Ngiti nya.
"Bakit po ako nandito?" Naguguluhan kong tanong.
Pinakatitigan nya ako ng banayad na tila may malalim iniisip pag katapos ay napabuntong hininga nalanag.
"Mabuti nalang at andun ako ng mahimatay ka kung hindi ay baka nabuko na yung sikreto mo."
Naguguluhan ako lalo sa sinabi ni lola. Paano mabubuko eh hindi ko naman sasabihin sa kahit kanino ang problema ko maliban sa kanya.
"Kung nadala ka sa infirmary ay malalaman nilang hindi ka talaga pasahero dito sa barko. Hahanapin nila ang pagkikilanlan mo at malalaman nilang wala ka sa listahan ng mga pasahero dito."
Kahit hindi nangyari sakin na madala ako duon ay bigla akong kinabahan at natakot. Naluluha akong napatingin kay lola.
Sya na naman ang tumulong sakin. Hindi ko alam kung anong ginawa nya pero sobrang pasasalamat ko talaga sa kanya.
"Alam kong nahirapan ka noong nag daang araw, pero sana ay bumalik ka dito at humingi sakin ng tulong. Hindi ka nakakain ng ayos at walang maayos na matulugan."
May tumulong luha sa aking mga mata pero agad ko rin iyong pinunas.
"Nahihiya po ako sa inyo. At saka hindi nyo naman po ako ka ano ano."
Tumitig sya sakin tila may iniisip pag katapos ay napabuntong hining.
"Kung hindi kita mapipilit na sabihin kay Mr. Morales ang kalagayan mo ay tutulungan kita dito."
"Po?" Nagulat ako sa sinabi ni lola.
"Ako na ang bahala sa pangangailangan mo dito---sa pagkain, sa damit at sa matutuluyan. Dito ka nalang sa silid ko mag stay. Pag dating natin sa Tasmania ay tutulungan din kita. Sumama ka nalang muna sa akin sa bahay ko. Pagkatapos ay tutulungan din kitang makabalik ng pilipinas. Paniguradong malaking proseso pero tutulungan kita."
Naging emosyonal na naman ako dahil sa aking narinig. Guminhawa ang aking pakiramdam dahil sa alok nya. Sa saya ko ay bigla ko nalang nayakap si lola.
"Thank you po lola." Naiiyak kong sabi.
Tinapik ako nito sa likod at inalo.
"Pero may isa pa tayong problema." Humiwalay sya sakin at tumingin. "Hindi ko alam kung paano ka makakababa ng barkong ito na walang nagiging problema. Hindi ka basta basta pwedeng bumaba nalang, hahanapan ka ng ticket at ng identification noong dala mo ng sumakay ka dito. Pero dahil ilang araw pa naman iyon ay wag na muna natin iyon problemahin. Ako na ang bahala duon."
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...