¹Hindi ko maiwasang hindi mamangha habang pinagmamasdan ko ang mga nadaraanan ko dito sa loob ng barko. Ngayon lang ako nakasakay ng barko at hindi ko expected na sobrang ganda pala sa loob.
Kagaya ito sa mga mall na napupuntahan ko. May mga restaurant at madaming apparel.Napatigil ako sa may tapat ng isang malaking salmin at napatitig nalang ako sa aking repleksyon. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil gusot gusot ang aking suot na damit at madumi rin ang aking pantalon.
Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko na naman ang mga nangyari. Hindi ko alam kung dahil ba sa pakikipaglaban ko kay Reyen, sa pagtakabo ko sa kagubatan o dahil sa pagkakasakay ko duon sa may compartment ng kotse kaya nag kaganto ang aking kasuotan.
Marahan akong tumingin tingin sa aking paligid habang hinahagod ang aking damit para subukang ayusin ito o para maging presentable man lang.
Nakakahiya. Hindi ako nababagay dito sa may barko. Halatang mayayaman ang mga nakasakay dito. Kung ako lang ay baka mapagkamalan akong batang walang ka alam alam na mahirap.
Hindi ko alam ang patakaran dito sa barko. Pero paniguradong pag hindi ako nag ingat ay mapapahamak ako. Hindi ko alam kung anong posibilidad na mangyari kapag may nakaalam na hindi naman ako pasahero ng barko.
Ni kahit anong pagkikilanlan ay wala akong maipapakita kapag may nanghingi sa akin ng kahit anong ID.
Biglang kumalam ang aking sikmura. Napahawak ako sa aking tyan at wala sa sariling tumingin sa aking paligid.
Hindi ko alam kung saan makakarating ang dalwang libo kong pera. Sa klase ng mga restaurant na nakikita ko ay paniguradong mga mahal ang pagkain duon.
Hindi na bale, titiisin ko nalang ang gutom ko. Paniguradong mamaya ay masa manila na kami, kakain nalang ako sa kalendarya.
Naglakad nalang muli ako at dinala ako ng mga paa ko sa labas ng barko. Napangiti nalang ako ng madama ko ang simoy ng hangin at tunog ng tubig. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam---mapayapa.
Mas lumapit pa ako sa railing at sinilip ang dagat. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko sobrang saya ko naman ngayon dahil makakatakas na ako sa mundong naging malupit sa akin.
Makakabagbagong buhay na ako. Malayo sa bahay. Malayo sa Magnesia.
Hindi ko alam kung ilang oras pa pero excited na akong makarating ng manila. Sabi ng mga tao saamin. Maganda daw dun at madaming mga oportunidad.
Sana lang ay sa pagkakataong ito ay umayon na sa akin ang tadhana.
"Naku bata ka hindi ka nag iingat."
Napatingin ako dahil sa may kalakasang sita ng matanda.
"I'm sorry Grandma." Hinging paumanhin ng batang lalaki. Pag katapos ay agad itong tumakbo palayo sa lola.
Napailing nalang ang matanda at napunta saakin ang tingin nito. Siguro ay mga nasa 65 pataas na ito. Tumango ako dito na may kasamang ngiti.
Nailang ako at nagiwas ng tingin dahil sa mapanuring tingin nito. Parang pinag aaralan nya ako. Tumalikod nalang ako at humarap nalang uli sa may dagat.
Mga ilang segundo lang ay may bigla nalang nag salita sa gilid ko. Halos atakihin ako sa puso ng makita ko yung matanda kanina.
"Magisa ka lang ba ija?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romans⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...