"Susmaryosep! Anong ginagawa mo? Bumalik ka dito sa loob."
Napalingon ako sa pamilyar na boses na halatang nag aalala sa akin.
"Bumalik ka na dito sa loob? Ano bang gagawin mo? Baka mahulog ka dyan?" Nagaalala nitong sabi.
Mapait akong napangiti dahil kita kong nag aalala ito sakin. Kung sino pang hindi ko kamag anak at kapamilya ay sya pa yung magpapakita ng pag aalala.
"Hayaan nyo nalang po ako tutal wala na naman pong patutunguhan ang buhay ko." Walang gana kong sabi at muling humarap sa may dagat.
Nasa may labas na ako ng roof deck. Ang dalwa kong kamay ay nakahawak sa may railing at tanging pagbitiw nalang ang kulang para malaglag ako sa karagatan.
Napapikit ako ng muling tumama sa mukha ko yung simoy ng hangin.
Nagbalik ala ala na naman sakin ang nangyari sa Magnesia. Sobrang pait na ala ala. Kung pwede ko lang na basta makalimutan ang mga iyon ay nagawa ko na.
"Triana wag mo itong gawin. Kasalanan sa diyos ang pagpapakamatay."
Hindi ko pinansin ang aking narinig. Ito na siguro ang itinadhana sakin ng diyos.
"Umakyat ka na ditong bata ka! Ano ka ba? Kung may problema ka ay harapin mo huwag mong takasan."
Kay daling sabihin pero ang hirap gawin.
"Triana, apo. Kung may problema ka ay pwede mong sabihin sakin. Huwag ganto. Sayang ang buhay na pinagkaloob sayo ng diyos. Kay daming mga taong gusto pang mabuhay, kaya wag mong sayangin ang sayo....alalahanin mo ang mga taong nagmamahal sayo. Ang pamilya mo. Paniguradong malulungkot sila kapag nalaman ang ginawa mo."
Pamilya. Hindi ko alam kung meron ba ako nun. Pinagkait nila sakin ang maging masaya kahit minsan lang.
"Wala naman pong malukungkot kapag nawala ako. Wala pong pakialam sakin ang pamilya ko." Natawa kong sabi.
"Susmaryosep na bata ka! Hindi iyan totoo."
Ramdam ko ang paglapit nito sa pwesto ko kaya nataranta ako.
"Wag na po kayong lunapit lola. Hayaan nyo na po ako." Mariin akong napapikit at kinalma ko ang aking sarili.
Hinahanda ko na ang aking sarili sa mangyayari sakin.
"Aatakihin ako sayong bata ka! Mas pwerwisyo ka pa sa aking apo. Ano bang gagawin ko sayo?----kung walang pakialam sayo ang pamilya mo ay wag mo ditong gawing mag pakamatay. Umakyat ka muna dito at saka ka tumalon dyan kapag naka alis na ako. Babagabagin ako ng aking konsensya kapag hinayaan lang kita mag pakamatay dyan."
Napangiti ako dahil sa aking narinig. Hindi na bale, sa huli ko namang hininga ay may isang taong nag aalala sakin at nag pasaya pa.
"Mrs. Fontanez?"
May narinig pa akong isang pamilyar na boses. Napalingon ako at parehas nanlaki ang mga mata namin ng magkatinginan kami.
"What the!"
"Mr. Morales tulungan mo ako sa batang ito. Jusko hindi ko na alam ang aking gagawin."
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...