"Mabait talaga si Mr. Morales. Tuwing may salo
salo ay lagi nya kong hinahatid sa aking suite pagkatapos, kahit minsan ay kasama ko pa si Serafina."Nakikinig lang ako sa kwento ni Lola. Lalo akong humanga kay Mr. Morales, dahil sobrang bait pala nito.
Bigla nalang natawa si Lola tila may naalala.
"Alam mo yang si Mr. Morales, ipinapares yan sa apo kong si Serafina. Hindi ko alam na sa panunudyo namin ay magkakaroon ng something sa dalwa.-----
Bigla akong napalunok at napaayos ng upo. May maliit paring ngiti sa aking labi habang nakikinig pero alerto ako sa mga sinasabi ni lola.
"Hindi ko nga lang alam kung totoo bang may something talaga sa dalwa noon. Wala kasing natanggi sa dalwa kapag tinatanong namin kung may relasyon na ba. Tapos nito lang nalaman ko pa na lumabas ang dalwa----
Ang kaninang ngiti saking labi ay biglang naglaho. Parang may naramdaman akong kakaiba.
Kitang kita ko rin ang saya sa mukha ni lola habang nag kekwento. Parang botong boto sya kay Mr. Morales para sa apo nya.
"Okay lang naman kahit malayo ang agwat ng dalwa. Ang mahalaga ay alam kong maayos na lalaki ang magiging katuwang sa buhay ng apo ko."
Mapait akong napangiti. Hindi pala dapat talaga ako mag kagusto kay Mr. Morales. Nakakahiya kay lola, mabuti nalang ay hindi ako masyadong tinudyo kanina kay Mr. Morales.
Siguro ay yung apo ni lola ang tinutukoy nitong nagugustuhan.
"O sya ako ay matutulog na. Mag pa hinga ka na rin."
Tumayo na si Lola sa may sofa at naglakad na sa may kama nito. Bago ito humiga ay tumingin pa sakin at nag good night.
"Good night po." Ngumiti ako.
Hindi ako makatulog. Siguro ay dalwang oras na ang lumipas pero sobrang laki parin ng mga mata ko. Hindi mawala sa isip ko yung kwento sakin ni lola.
Wala naman akong pakilam. Wala dapat akong pakialam. Pero bakit ba iyon pasok ng pasok sa utak ko?
Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit.
Napa upo nalang ako sa may kinahihigaan ko at napatingim sa may kama na tinutulugan ni lola.
Kanina pa itong tulog. Pansin ko kanina na wala pang tatlong minutong nahiga ay nakatulog na ito.
Napahinga ako ng malalim at tumayo para kumuha ng tubig saka uminom.
Bumalik ako sa may sofa para mahiga sana uli. Pero ng mapatingin ako sa may bintana ay na enganyo akong lumapit dito. Madilim ang kalangitan at malayang sumasayaw ang karagatan.
Naisip kong lumabas ng kwarto tutal hindi pa naman ako maka tulog. Kumuha ako ng balabal na binigay sakin ni lola at bago lumabas ng suite.
Habang naglalakad ay napapatingin ako sa paligid. Wala na akong nakikitang mga tao, siguro ay nagpapahinga na nga ang lahat. Hindi naman kataka taka dahil alam ko naman hating gabi na.
Ng paglabas ko ng barko ay napayakap agad ako sa aking katawan dahil sa nadama ang malamig na simoy ng karagatan.
Lumakad pa ako hanggang sa makarating sa dulo ng roof deck. Tinuon ko ang aking dalwang kamay sa may railings at pinikit ang aking mga mata para damahin ang simoy ng karagatan.
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...