"Magkikita ba kayo nung Marco?"
Umupo si Rowan sa kaharap kong upuan at nag sandok na rin sya ng niluto kong tuna na may itlog tapos nilagyan ng mayonnaise, na parang sa sisig.
Ngangayon ko lang na realized, nakain pala sya ng mga ganto. Mayaman kasi sya kaya akala ko titikim lang sya ng mga niluluto ko yun pala halos sya nayung umubos ng mga pag kain.
Nagtataka rin ako ngayon kung bakit hindi pa sya naka bihis ng pang uniporme. Hindi ba sya mag tatrabaho ngayon?
"Inaya nya kong kumain sa may restaurant. Pero kung ayaw mo naman ay hindi nalang ako makikipag kita."
Pansin kong natigilan sya at kita ko ang pag awang ng kanyang mga labi. Hindi inaasahan ang maririnig.
Marahan nyang binaba ang kutsara kasabay ng pag sulyap sakin.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ko yun nasabi. Siguro ayaw ko lang na magalit sya sakin. Alam ko namang nagalit sya dahil sa hindi ko sya pinag luto kahapon at hindi sa pag sama ko kay Marco.
Pero ewan ko ba. Iyon na yung lumabas sa bibig ko.
"Wala akong trabaho ngayon. Wag kana munang lumabas ngayon dito."
Napakurap kurap ako sa sinabi nya. Ibig sabihin dito lang din ba sya? Mag kasama kami mag hapon dito sa suite nya?
Ano, mag hapon ba kaming mag uusap? Oh may gagawin ba kami? Or may iuutos ba sya?
"Ah- sige a-anong ga-gawin natin?" Nauutal kong tanong. Hindi ko alam kung bat ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nataranta ako ng maubo sya. Dali dali akong nag salin ng tubig sa may baso at inabot sakanya. Kinuha nya iyon at uminom.
"Okay ka lang?" nag aalala kong tanong.
Tumango tango lang sya. "I'm fine. Just don't talk----I mean let's not talk while were eating."
Napalunok ako at napatango nalang. Napatingin pa sya sakin ng ilang segundo bago bumalik sa pag kain.
Dahil iyon ang gusto nya ay sinunod ko nalang sya at bumalik narin ako sa pag kain.
Sobrang tahimik ng silid, tanging tunog lang ng mga kutsara at tinidor ang naririnig ko. Bigla ko tuloy naalala yung balabal.
Paano kaya iyon napunta sa sofa kagabi?
Hindi ko talaga matandaan na naiwan ko iyon, pero hindi ko rin naman sure kung dala dala ko ba iyon pag labas ng suite, kasi pumunta pa akong kusina. Parang hindi rin naman ako nag tagal sa may sala para naipatong duon ang balabal.
Naguguluhan talaga ako. Hindi ko alam kung paano iyon napunta sa sofa. Imposible namang nahulog ko iyon at kusang nag lakad pabalik dito.
Oh di kaya nahulog ko nga sya, tapos nakita ni Rowan kaya pinulot niya dahil alam nyang akin iyon.
Pero san nya napulot? Sa may hallway lang ba? O dyan lang sa labas? O di kaya dun may hagadanan.
Bigla akong natigilan at napailing nalang. Hindi. Imposibleng duon nya mapulot ang balabal. Hindi naman sya yung lalaki kagabi. Mag kaiba sila ng suot na damit. Saka hindi naman sya ganun, hindi sya makikipag halikan sa hindi nya girlfriend, diba?
![](https://img.wattpad.com/cover/287876937-288-k348064.jpg)
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...