Chapter 1

815 13 1
                                    




⚠️ *Trigger Warning*⚠️




"Ano ba Arissa! Ano na naman tong ginawa mo?" Galit na tanong sakin ng aking Mama.





"Mama si Aniza ang nauna, hindi ako. Ano bang sinabi sa inyo ng paborito niyong anak." Sagot ko.



Lalong nagalit ang mukha ni Mam at mabilis na lumapit sakin. "Ah sumasagot ka pa!" Sabay hampas sa may braso ko. Napadaing ako sabay iwas ng makita ko uli na tumaas ang kamay nito para hampasin ako.






"Mama naman! Wala po akong ginagawang masama. Bakit ba ayaw nyong maniwala?" Naiiyak kong sabi.





"Kasi sinungaling ka at ang simple simple lang ng pinapagawa ko ay hindi mo pa magawa. Napaka inutil mo!" Duro nya sa utak ko. "Kaya tayo naghihirap ay ng dahil sayo."




Wala na akong nagawa kundi mapaiyak nalang. Lagi nalang ganto. Tuwing makakagawa ako ng hindi nila magugustuhan ay lagi nila akong susumbatan. Nang dahil lang hindi ko pinaanyayahan ang alok na kasal ng kapitan dito sa aming barangay ay habambuhay na nilang isisisi sakin ang paging mahirap namin.



"Ma. Tigilan nyo na si Arissa." Narinig ko ang boses ni ate. Hindi ko alam kung concern sya sakin o hindi. Sa katunayang isa sya sa nag pupush sakin na tanggapin ko ang inaalok sakin ng kapitan ng aming barangay.






"Hay naku Monica, pag sabihan mo nga yang kapatid mo. Magpapakasal lang sa kapitan ay hindi pa magawa. Iyon na nga lang ang maiaambag hindi pa magawa."  Bulyaw ni Mama at bago ito umalis ay binato pa ako ng tsinelas.






Napahikbi ako hindi dahil sa binato niya ako kundi muling dinamdam ang mga sinasabi sakin.





"Ikaw naman kasi Arissa." Rinig ko ang paglapit sakin ni Ate Monica.






"Bakit kasi ayaw mo pang tanggapin ang inaalok ni kapitan Reyen? Mayaman ang mga Guevera, paniguradong maaabonohan ka ng yaman ng mga ito kapag hinati na ni Don Carlos ang mga yaman nito sa buong angkan ng mga Guevera.  Hindi pa naman ito masyadong matanda. 36 palang. Walang asawa at anak at walang sabit, hindi tulad ng nagugustuhang mong batang lalaki na walang maipagmamalaki."




Hindi ko pinansin ang mga sinabi nya at nanatili akong nakayuko. Rinig ko ang pagbuntong hininga nya.





"Alam mo.--- hinawakan ang braso ko, hindi ko alam kung para icomfort ba ako.





"Ayaw ko rin namang magpakasal ka dun sa Reyen na yun. Pero naiisip ko si Papa kapag hindi tayo nakapag bayad ng utang ay makukulong si Papa at paniguradong araw araw isisisi iyon sayo ni Mama."





Tumingala ako sa kanya. Hindi ko alam kung totoo ang pinapakita nya. Hindi ko malilimutan na minsan na nyang putulin ang pagiging maging magkapatid namin dahil nahuli nito na binobosahan ako ng boyfriend nya at sakin pa sya nagalit kahit wala naman akong ginagawa.






Hindi man lang sya naniwala sakin ng pinalabas ng ng boyfriend nya na inaakit ko daw ito.




"Okay lang naman makulong si Papa. I think he deserves it somehow. Madalas ka rin naman nyang saktan. Pati ako ay pinagbubuhatan nya ng kamay....Lagi pa syang lasing at perwisyo ang laging dala satin. Wala rin namang nadudulot na maganda si Papa. Siguro kung makukulong sya kahit mga tatlong buwan ay magbago sya...Pero hindi ata mangyayari ang hiling ko dahil kahit ganun ay mahal iyon ni Mama. At si Mama ang magiging kalaban mo kapag nakulong si Papa."





Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon