Chapter 34

599 20 6
                                    



Mabilis akong tumakbo palayo mula sa building na kung saan naka tira si Rowan. Apat na araw na ang lumipas ng makarating kami dito sa manila. Kinabukasan pag dating namin ay nag paalam sya sakin na may aasikasuhin lang daw sya. Hindi nya sinabi kung ano yun, pero hindi na ako nag tanong dahil alam ko naman kung saan sya pupunta.



Kakatawag lang din nya sakin kanina, ang sabi nya ay pabalik na daw sya at mag uusap daw kami.




Kinakabahan ako sa boses nya, parang ang seryoso at parang iritado ang tono nya.



Kinabahan na ako at nataranta kaya naisipan kong lisanin na yung condo nya.




Isang maliit na bag lang ang nadala ko. Siguro tig tatatlo lang na damit pang taas at pangbaba, tapos yung mga pang ilalim ang nailagay ko sa bag. Yung binigay din nyang cellphone ay hindi ko na dinala.



Sa pagmamadali ko ay madami akong naiwan na gamit duon. Pero ayos lang din na hindi ko yun dinala dahil bigay lang din iyon sakin ni Rowan. Alam kong makapal ang mukha ko dahil hindi man lang ako nag paalam, pero alam ko kasi ang gugustuhin nyang mangyari kaya umalis na ako.




Ng mapatigil ako sa pagtakbo ay napahawak na lang ako sa aking dibdib dahil ngayon ko lang naramdaman ang hingal. Hindi ko alam kung ilang minuto bago humupa yung dibdib ko.




Nang maging maayos na ang pakiramdam ko ay napatingin nalang ako sa paligid.




Hindi ko alam kung nasaan na ako. Malawak ang daan at maraming tao na nag lalakad. Meron ding mga gusali kung saan man ako mapatingin.




Ngayon ko lang naisip na dapat pala ay plinano ko kung ano bang gagawin ko kapag umalis na ako sa poder ni Rowan. Hindi na ako naka pag isip kanina. Wala akong pera at hindi ko alam kung saan na pupunta.




Napahawak nalang ako sa aking ulo ng bigla na naman akong nakaramdam ng hilo. Wala sa sariling nag lakad ako at hindi ko na napansin kung saan ako nag lakad.




Napatigil nalang ako ng may busina akong narinig. Ng tumingala ako ay naaninagan ko yung kotse na papalapit sa akin. Lumalabo ang aking paningin kaya napapikit nalang ako.




Hindi na ako makagalaw dahil pakiramdam ko ay matutumba na ako kapag nag lakad pa ako. Nakarinig pa ako ng ingay pero hindi ko naman magawang ibuka ang aking mga mata dahil lumalabo na aking paningin. Hanggang sa tuluyan na akong natumba at nawalan na ng malay.






"How is she?" Rinig kong tanong ng isang babae.






"So far, normal naman lahat. Ang hindi lang normal ay yung na sstress sya. Kaya dapat hindi sya na sstress para maging safe si baby."







Nagtataka ako sa aking naririnig. Ano ba to, nanaginip ba ako?





Pinilit kong iminulat ang aking mga mata ay tumambad sakin ang puting kisame.





Hindi ito pamilyar sakin kaya nilibot ko na ng tuluyan ang buong kwarto. Nakita kong may lumabas na isang babae sa may pinto tapos yung isang babae naman ay nakatalikod pa sakin kaya hindi ko malaman kung sino sya.



Nagtataka ako sa paligid, hindi ko alam kung nanaginip pa ba ako.




Tinuon ko ang aking siko para subukang umupo sa aking hinihigan pero napadaing ako dahil nakaramdam ako ng masakit sa ang aking likod.




"Hija wag ka munang gumalaw."




Napatingin ako sa babaeng nag salita sa gilid ko. Napakunot ako at pilit kinikilala ang babae.




Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon