Chapter 23

252 10 1
                                    


Hindi ako makatulog dahil iniisip ko parin yung usapan namin ni Rowan. Ayaw kong magalit sya sakin. Apat na araw pa nga lang kaming nagiging mag kaibigan tapos gumawa agad ako ng pwede nyang ikagalit sakin.




Hindi ko naman sinasadyang kalimutan yung usapan namin eh. Nawala sa isip ko eh. Saka sana kung gutom sya ay nag luto na lang sya o nag pa deliver.





Dahil sa iniisip ay napababa ako ng kama. Hindi ko dapat pinapalipas ang gabi na galit sya sakin.





Marahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung nakahiga na ba sya sa may couch. Pero wala parin sya duon at naka tiklop parin ang kumot.




Hindi pa ba sya dumadating? Hating gabi na ah.





Binuksan ko ng maluwag ang pinto at lumabas na ng tuluyan. Lumakad ako palapit sa may hagdan at sinilip ang ibaba.




Hindi ko naman sya makita, wala rin akong nariring na ingay mula sa baba.




Napabuga ako ng hangin at inisip na kasalanan ko yung nangyayari.





Sana pala hindi nalang ako masyadong naki pag usap kay Marco para namalayan ko ang oras at naalalang dapat ko palang ipag luto si Rowan.





Hindi ko alam kung bababa pa ba ako. Naisip kong bukas ng umaga ay maaga nalang akong gumising para ipag luto sya. Pero naisip ko na hindi pa sya nadating at galit na galit parin sya sakin. Hindi rin ako makakatulog.




Kailangan ko syang maka usap ngayong gabi din. Kung kinakailangan ko syang hanapin ay hahanapin ko sya.





Pumasok ako ng kwarto at kumuha ng balabal na binigay sakin ni lola.





Bago ako lumabas ng suite ay sinilip ko muna rin ang kusina dahil baka andun si Rowan, pero wala sya dun.




Ang totoo nyan ay hindi ko alam kung san sya hahanapin. Napahinga ako ng malalim dahil hindi alam kung saan mag uumpisa.



Nag isip ako kung saan ba sya nag lalagi at sa bridge yung unang pumasok sa isio ko. Ang kaso nakakahiya kung pupunta ako doon. Baka kung anong isipin ng mga nandon kung anong sadya ko kay Rowan.




Naglakad lakad nalang ako at hinayaan kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Napadaan ako sa may oceanic pero alam ko namang wala sya dito dahil sarado na ang restaurant.






Napahinga ako ng malalim at napag desisyunan na pumunta nalang ako sa bridge. Dahil nahihiya akong mabungadan ng mga tao sa bridge pag labas ko ng elevator ay nag staircase nalang ako.





Habang umaakyat ay nag mumuni muni nalang ako para hindi maramdaman ang pagod. Nang naka tatlong palapag na ako ay may narinig akong ingay sa sunod na palapag.




Napalunok ako at nag dalwang isip kung tutuloy pa ba ako. Medyo lumakas ang kabog ng dibdib ko, kinakabahan.





Pinapakiramdam ko ang nasa itaas, wala na akong narinig na ingay. Siguro ay pinto lang din iyong narinig ko.




Napa hinga ako ng malalim at ang simula na uli humakbang pataas. Marahan lang ang aking lakad, hindi ko alam kung bakit hindi parin mawala ang kaba sa king dibdib.




Nanlaki ang aking mata at napatigil ng may marinig akong umungol.





Gusto ko ng tumakbo palabas pero ang aking mga paa ay na estatwa dahil sa aking narinig.




Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon