"Mamayang gabi, aalis ka na dito sa barko. May nakaabang sating yate na mag hahatid sayo sa parteng umboi island. Pagkatapos itatransfer ka uli ng yate sa may Nyada----
Hindi ako pamilyar sa nga lugar na binabanggit ni Rowan kaya hindi ko maitago ang takot sa aking sarili. Paano ko malalaman kung andon na ako sa lugar na iyon? Sino ang kasama ko? Mag isa lang ba ako?
-----Hey!" Hinagpos niya ang aking pisngi na parang pinapakalma ako.
"Everthing's going to be fine. Naayos ko na ang lahat kaya wala ka ng dapat ipag alala. Apat na beses kang magpapalipat lipat ng yate. Pag katapos mo sa Nyada, somewhere on the ocean ililipat ka uli ng yate pag katapos sa Palau ka naman dadalhin. It will take a month before you get there---maybe more than 30 days. Yate lang ang sasakyan mo at madami kayong madadaan kaya medyo matagal ka sa dagat. May kasama ka rin kaya hindi ka dapat matakot.....You don't need to worry, I will be there when you already get in palau."
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa mga sinabi nya. Kahit sinabi nyang okay na ang lahat, hindi ko maiwasang hindi parin matakot.
"Sa catanduanes mo ba ako dadalhin pagkatapos?"
Napalunok ako.Umiling sya. "Ofcourse not, hindi kita ibabalik duon."
"Paano yung assis---yung Sheena?" Halos hindi ko na marinig ang sariling boses.
"Don't worry about her. I already talk to her and she's fine----ako na ang bahala sa kanya, she won't talk anything about you." Pagpapanatag nya sakin.
Naluluha akong napangiti sakanya. Hindi ko alam kung bakit nya ako tinutulungan, pero sobra sobra na ang mga naitulong nya sakin na hindi ko na alam kung paano pa masusuklian ang kabaitan nya.
Naisip ko si Mr. San Miguel. Nag away silang mag kaibigan dahil sakin. Dahil concern si Mr. San Miguel sa kanya. Kasalanan ko.
"I'm sorry, dahil sakin nag away pa kayo ng kaibigan mo." Pagod kong sabi.
"It's normal, don't worry about that. Were good."
Alam kong sinasabi nya lang iyon para mas lalo akong mapanatag.
Huminga sya ng malalim kasabay ng pagkawala ng kamay na sa aking pisngi.
"Maayos kami ni Hugo, in fact sya yung tumulong sakin para sa sasakyan mong mga yate hanggang sa makarating ka ng palau."
"Hindi sya galit?"
Umiling sya sakin. "Concern lang yun kaya ganun ang inakto kanina. Pero ayos kami, tutulungan ka nya."
Napatango nalang ako dahil sa narinig. Mabuti naman dahil maayos sila. Ayaw ko talagang mag ka away sila ng dahil sakin.
Bumaba ang aking tingin sa may labi nya. Natulala ako doon at napa isip kung anong maaari kong gawin para kahit papaano makabawi ako sa kanya.
Napalunok ako ng makitang dinilian nya ang kanyang labi.
"Magpahinga ka muna." Halos pabulong niyang sabi.
Tumaas ang aking tingin sa mga mata nya kasabay ng pag iwas ng tingin sakin tila may iniiwasan.
"Mag pahinga ka na sa kwarto Triana."
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...