Chapter 48

437 20 6
                                    



"Madel tulog na si Oswell?" Tanong ko ng makasalubong ko ito ng pataas ako ng hagdan.





"Ah si Sir Rowan na po yung nag papatulog kay Oswell, Ma'am."



Si Rowan. Akala ko ba ay bukas pa ang dating nito? Bakit andito na agad sya.




"Una na po ako Ma'am."






Napatango nalang ako kay Madel ng mag paalam na ito. Marahan akong umakyat ng hagdan. May parte sakin ma masaya dahil alam kong masaya na uli ang anak ko dahil naka uwi na ang papa nya. Pero hindi ko maiwasang isipin na sana hindi muna sya umuwi dahil ayaw kong mag away na naman kami at paulit ulit na naman nya akong paratangan ng kung ano.




Napahinga nalang ako ng malalim at napatigil sa pinakadulo ng hagdan dahil hindi ko alam kung sisilipin ko pa ba si Oswell sa kwarto nito.





Sure akong andun pa si Rowan at baka duon na ito matulog sa kwarto ng anak namin.  Ayaw kong makita nya ako dahil baka mabad trip na naman sya.





Sa huli ay napag pasyahan kong wag nalang tingnan ang anak ko. Hindi na bale bukas ay ipagluluto ko ito at ako rin ang maghahatid bukas sa school.





Nang maka pag half bath na ako at naka pag bihis ng pantulog ay umakyat na ako sa kama at ng papahiga na ay may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.




Mabilis akong lumapit sa may pintuan at ng akmang bubuksan ko na ito ay bigla akong natigalan. Hindi ko alam kung sinong tao sa labas. Alam ko namang isa sa mga tao sa bahay ang maaaring nakatok pero....yung dibdib ko! Hindi ko alam kung bakit bumibigat ang aking pag hinga.




Mariin akong napapikit at bahadya pang nagitla ng marinig uli ang katok sa may labas.




Shit! Ano ba naman ito? Bakit ganito ang dibdib ko?





Hindi ko alam kung sinong nakatok pero nag dadalwang isip akong buksan ito.




Hanggang sa mataranta na ako ng marinig muli ang katok sa labas kaya nabuksan ko yung pinto.




Damn it! I knew it! Si Rowan lang ito.





Namiss na ba nya akong awayin? Kakarating lang nya ah.





"Are you going to sleep now?"





I can't believed it. His voice was so gentle. Bakit sya ganto?



"Ah oo sana. Bakit?"






"I just want to give you this."




Napatingin ako sa inabot nyang paper bag. Hindi ko alam kung kukunin ko ba iyon.





May pasalubong sya sakin at mas lalo iyong nakakataka taka.






"It's from my mother." Bahadya syang nag iwas ng tingin sakin. Kaya nag taka ako at natitigan ko sya.





Parang....parang may kakaiba sa kanya. Parang may nag bago. Hindi ko lang maipaliwang kung ano yun, pero----




"Ayaw mo?"





Napa ayos ako ng tayo at muling napatingin sa hawak nyang paper bag. Napabuntong hininga ako bago iyon kinuha.





Akala ko pasalubong nya. Galing pala kay Tita.




"Sige ah tawagan ko narin si Tita."






Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon