"Pwede po bang kayo nalang Lola, nakakahiya po kasi." Nahihiya akong tumanggi sa paanya ni Lola dahil sinasama ako nito sa dinner kasama yung mga kilalang tao dito sa barko.
Alam ko namang mataas ang estado ni Lola Josephine sa buhay, pero hindi ko inaakala na kilalang kilala na pala ito dito sa barko at laging nakakasama sa isang pagsasalo kasama ang may mga matataas na katungkulan dito sa barko.
Kahit hindi ko pa sila nakikita sa personal ay kinakabahan na ako dahil baka maagaw ko ang atensyon ng mga ito. Natatakot ako na baka malaman nila na hindi ako totoong apo ni Lola. Tapos aalamin nila kung anong totoo kong pangalan, katayuan sa buhay at bakit ako nandito.
Iniisip ko pala lang ay parang mababaliw na ako.
"Ano ka bang bata ka. Wala ka dapat ikatakot dahil kasama mo naman ako. Hindi naman buong buhay mo ang itatanong sayo. Basta kung may mag tanong sagutin mo na lang. At kapag nahiya hiya ka dyan lalo kang magiging agaw atensyon. Kaya dapat nakikisalamuha ka."
Kahit anong pangungumbinsi sakin ni lola ay parang ayaw ko parin.
"Baka malaman po nila na hindi nyo naman ako totoong apo." Mahina kong sabi.
"Susmaryosep kang bata ka! Ay hindi naman kita itatanggi kaya wag ka ng kabahan dyan." Tumayo ito at muling humarap sakin.
"Sumama ka na, wag ng matigas ang iyo. Naulit ko narin sa kanila na kasama kita kaya dapat sumama ka na." Napailing pa ito tila may naalalang hindi maganda. "Naku, parang kasama ko parin si Serafina hanggang ngayon."
Kahit ayaw ko ay napilitan parin ako. Inisip ko nalang yung mga mabubuting tinulong sakin ni Lola. Sobrang laki ng utang ko sa kanya kaya napilitan narin ako.
Habang naglalakad kami papasok ng Oceanic Restaurant ay sya rin namang papalakas ng kabog ng dibdib ko. Pero wala naman akong makitang isang salo salo. Normal lang lang ngayon gabi kagaya noong mga nakaraang araw. May mga guest at mga staff na nag seserved ng mga pagkain. Wala akong nakikitang mga naka attire o naka formal na suot.
Bigla uli akong nahiya dahil sa suot ko. Isa kasing long dress ang binigay sakin ni lola. Ito daw ang isuot ko. Hindi naman sya bongga, pero maganda parin at hindi naman akma sa nakikita ko sa paligid. Tapos may slit pa sa gilid yung dress kaya medyo naiilang din ako. Hindi ako sanay na magsuot ng ganto, pakiramdam ko hindi bagay sakin.
Eh sa nakikita ko habang nililibot ko ang aking mata kahit nag jeans nalang ako at t shirt ay ayos na.
"Mrs. Fontanez, nasa loob na po sila."
Napatingin ako sa nag salita. Hindi ko na napansin na may sumalubong saming isang staff.
"Sige, salamat." Sabi ni lola tapos inaya nya akong sumunod sa may unahan.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ng nasa may unahan na kami meron pala doong open area na kasing laki ng pintuan. Tapos pumasok kami doon at isang hallway ang aking nabungadan.
Hindi ko maiwasang hindi sumilip pabalik sa may restaurant. Kapag hindi ka talaga lumapit dito sa unahan hindi mo mapapansin na may silid pa pala sa likod ng pader. Siguro kaya hindi pansin ay magkakakulay ang mga muwebles ng pader.
Lumakad kami sa may hallway at agad ding nakita ang malaking pinto. Pinagbuksan kami ng staff kanina.
Namangha ako sa aking nakita. Sobrang ganda dito sa loob. Kitang kita ang karagatan sa labas ng mga bubog na bintana.
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...