Chapter 25

328 10 0
                                    



Mabilis lumipas ang mga araw dito sa barko. Siyam na araw na ang lumipas simula ng umalis kami sa may Victoria Cruise Port sa Tasmania Australia.



Hindi ko alam kung nasaang karagatan na kami. Pero na curious ako kung nasan na ba kami.




Maayos rin naman ang set-up namin ni Rowan. Doon parin ako sa kwarto tapos sya sa may couch natulog. Lagi ko parin sya pinag hahanda ng umagahan. Pero sa gabi, hindi na masyado dahil late na sya minsan dumating, kaya sabi nya wag ko na daw sya pag luto. Yung pang akin nalang daw, tapos sabi nya pwede din naman daw kahit sa may La Catalina Restaurant nalang ako kumain. Buffet naman don at makakapamili pa ako ng gusto kong kainin.




Nakakain na naman ako doon ng isang beses dahil isinama ako ni Lola. Pero lagi kasing punuan duon. Siguro dahil sa mura ang mga pag kain duon at lahat matitikman muna ang ibat ibang uri ng pagkain. Ang sabi sakin ni Lola parang yung La Catalina nalang daw ang consideration ng mga Lozano sa mga sumasakay dito sa barko.





Pero syempre, may mga taong ayaw ng masyadong matao, tapos gusto rin mas kumain pa sa mas sosyal kaya sa Oceanic Restaurant parin napunta.





Kung hindi ako nag kakamali, sampong restaurant ang meron dito sa barko, tapos yung apat don ay mga kilalang fast food chains.





At saka kaya mas pinipili ko nalang dito kumain sa may suite ay para walang bayad. Nakakahiya kasi kung gagastos ako. Ayaw kong galawin yung binigay sakin ni Rowan na card. Sabi niya kapag yung card daw nya yung gamit, may discount daw. Pero kahit may discount yun ay hindi ko yun gagamitin. Ayaw kong abusuhin yung kabutihan nya sakin.






Yung card naman ni Lola ay ibinalik ko din iyon. Ayaw pa nga tanggapin sakin ni lola pero nag pumilit ako dahil hindi ko na naman din iyon gagamitin.






"Triana?"




Napalingon ako sa may tumawag sakin. Napalunok ako ng makita ko si Engineer Alcazar.




Shit! Nakita nya akong lumabas ng suite ng kaibigan nya.





Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi ko alam kung may alam ba sya sa sitwasyon ko. Pero ng tinawag nya ang pangalan ko ay halata duon ang pag tataka.








Anong sasabihin ko?







"Relax, I'm not saying anything." Pagpapakalma nya sakin saka ngumiti.







Alam ba nya?





"Saan ka pupunta?" Tanong nya.





Hindi parin ako mapanatag. Baka kung anong isipin nya.



"Don't think too much. I respect everyone's privacy." Pagpapanatag nya sakin.






Napangiti nalang ako at napatango. Kaibigan sya ni Rowan kaya sigurado akong mabait din sya. Saka kahit naman hindi ko pa alam na kaibigan sya ni Rowan ay komportable naman ang pakiramdam ko sa kanya. Pero sympre ng una ay nahihiya ako dahil hindi naman kami close o mag kaibigan.







"Dyan lang uli sa labas. Wala kasi akong alam na pwedeng mapuntahan pa."





Hindi sya umimik at napatango nalang na parang may iniisip.






"Kayo Engineer, balik na kayo sa trabaho?" Usisa ko.





"Yeah! Will check the engine room"






Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon