Chapter 41

347 20 4
                                    


Nagmamadali akong lumabas ng aking opisina dahil sa nalamang balita. Sinugod daw si Tito Owen sa ospital dahil bigla nalang daw itong hindi makahinga.






Hindi ko na magawang ngitian ang mga nabati sakin dahil sa pag ka busy ko sa aking cellphone. Tinatry ko kasing tawagan si Tita para kamustahin ito. Nag aalala ako dahil baka wala syang kasama ng sinugod nito si Tito sa ospital.





Dali dali akong lumabas ng elevator at hindi na napansin ang nadaraan.





Napatili nalang ako ng may biglang pumulupot sa aking bewang at hinila ako.





"Watch it!"






"Sorry sir! Sorry Ma'am!" Rinig kong sabi ng babae, mukha nataranta.





Ng lumingon ako sa babae ay yung janitor pala iyon na dala dala yung panglinis.





Napahinga ako ng malalim. Ako ang may kasalanan, ako ang hindi nakatingin sa dinaraanan.





Mag sosorry na rin sana ako ng maramdaman ang pag kalas ng kamay sa aking bewang.





Nanlaki ang aking mata. Shit! Bakit hindi ko iyon tinanggal kanina pa. Marahan akong nag angat ng tingin at kahit pamilyar naman sakin yung hawak ng lalaki ay nanlaki parin ang aking mata.







"Pasensya na po uli Ms. Trina."





Buti nalang ay nag salita uli ang janitor kaya nawala ang atensyon ko kay Rowan.







"It's fine. I'm sorry din, hindi ako nakatingin sa dinaanan ko." Nginitian ko ang janitor. "You can go back on your work."







"You seems occupied. What happened?" I heard Rowan asked.






Wow. Bakit concern sya ngayon? Hindi ba nya ako aawayin?





"Shit!" Bigla kong naalala si Tita.




"Bakit?" Si Rowan.





Napatitig ako kay Rowan, mukhang wala pa syang alam. Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nya ang nangyari sa Daddy nya.





"Sinugod daw yung Daddy mo sa ospital dahil bigla nalang daw ito hindi makahinga. Pupunta ako sa hospital dahil nag aalala rin ako kay Tita baka wala syang kasama."





Pinagmasdan ko sya kung anong magiging reaksyon nya pero parang natigilan lang sya at malalim ang iniisip.





"Sasama ka ba?" Tanong ko, pero hindi sya umimik at nakatingin lang sakin.





Napabuntong hininga ako dahil mukhang hindi sya sasama sakin. Tumalikod na ako sa kanya at nag simula ng mag lakad.





...





"Tita. Kumusta po si Tito?" Agad kong tanong ng makalapit ako kay tita.





"Wala pang result galing sa mga doctor." Naiiyak nitong sabi pag katapos ay malumbay na naupo sa may upuan.




"Ipagdasal nalang po natin na maging okay na si Tito." Hinagpos ko ang balikat ni Tita.





"Nasan nga pala si Rowan? Hindi ba nasabi sa kanya?"






Nakagat ko ang aking labi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nasabi ko na kay Rowan pero mukha naman itong walang pakialam.





Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon