"San ka pala sa catanduanes?" Tanong sakin ni Mr. San Miguel.
Hindi na ako nag dalwang isip na sagutin ang tanong nito, dahil naisip ko na kanina pa wala naman sigurong masama kung sabihin ko ang totoo. Hindi naman siguro dun pupunta para ipag tanong kung totoo bang taga doon ako. Tama si Lola, sagutin ko nalang ang mga tanong sakin dahil ako lang naman ang nakaka alam ng sagot at totoo. Hindi naman sila mag aaksaya ng oras sakin para alamin kung nag sasabi ba ako ng totoo.
"Sa Magnesia po ako."
Tumango ito at muling nag tanong.
"Done schooling?"
Hindi ko alam kung college ba o high school ang tinutukoy nya pero mabilis akong sumagot.
"Opo sir."
"No sir please, Just call me Hugo."
Medyo nahiya ako at napakamot nalang sa aking leeg. Hindi ba nakakahiya sa makakarinig kung tatawagin ko ito sa unang pangalan nito. At saka matanda rin naman ito sakin kaya Sir ang tawag ko sa kanya, pero pwede ko rin naman syang tawaging Mr. San Miguel, pero sabi nya kanina ang pormal ko naman daw.
"You can call him Kuya if you want, beside he's older than you."
Nagulat nalang ako ng may nag salita sa gilid ko. Kahit kilala ko naman ang boses na iyon ay hindi ko naitago sa aking mukha ang gulat ng tiningnan ko ito.
Narinig kong tumawa si Mr. San Miguel, ganun din ang ngisi ni Engineer Alcazar.
"No problem with me." Ngising sabi ni Mr. San Miguel.
"You can call him Kuya also, beside he's 6 years older than you." Tukoy nito kay Mr. Morales. Tila may sarkasmo sa boses pero hindi ko iyon pinansin at binaling ko ang aking tingin kay Mr. Morales na masama ang timpla ng mukha.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging usapan.
Paano nga ba naging ganito?
Parang mas lalo namang nakakahiya kung tatawagin ko ang mga itong Kuya. Hindi ko naman sila kapatid. At saka baka kung anong isipin ng ibang tao.
"Anyway Triana----
Napatingin ako kay Mr. San Miguel.
"It's so nice to meet you. Puntahan ko lang sina Madam Chantal." Paalam nito sakin. Pati si Engineer Alcazar ay nag paalam na rin.
Pakiramdam ko ay tumahimik ang buong paligid dahil sa naiwan sa tabi ko si Mr. Morales.
Nagtataka ako kung bakit hindi sya sumunod sa mga kaibigan nya.
Hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan. Ito ang unang beses na kina usap nya ako simula kanina.
"I'm glad you came. Ayaw mo daw sumama ng una sabi ng Lola mo."
Napalunok ako at napatitig dito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala akong maisip na salita para sa kanya.
"I hope you're enjoying right now----
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...