Chapter 29

630 18 0
                                    




"Thank you."




Nagpasalamat ako kay Mr. San Miguel dahil isa sya sa mga tumulong sakin para maka alis ako dito sa barko.





"I hate liar and humbug Ms. Calleja, so I hope you are---



Naputol ang sinasabi nito dahil kay Rowan. Pero kita kong pinigilan ito ni Engineer Alcazar na parang sinasabing hayaan nalang si Mr. San Miguel na mag salita.



"Make sure that you are telling the truth, because if not. I don't care if you are my friend's woman." May pagbabanta sa tono nito pag katapos ay umiling at binalingan si Rowan.

Hindi ito umimik pero dismiyado ang tingin sa kaibigan. Napalunok ako at napilitang mag salita.





"Nagsasabi ako ng totoo."







Napunta sakin ang atensyon ng tatlo, wala na sa kanilang nag salita pero lumapit sakin si Rowan at nag simula ng mag paalam sakin.




"You need to go now, hindi pwedeng mag tagal na nakatigil ang barko. Remember what I told you, Triana."





Nakagat ko nalang aking ibabang labi at napatingin sa may likod ko. Kita kong may yateng nakatigil sa tabi ng barko. Ito na siguro ang sasakyan ko.





Lumakad si Mr. San Miguel at sinilip ang yate. May dalwang lalaki duon at isang babae.





"Hindi ka ba mag kakaproblema dito?" Nag aalala kong tanong.


"Nothing will happen to me. Don't worry." Pagpapanatag nya sa akin.






"Mr. San Miguel the yatch is ready." Rinig kong sabi ng lalaki.





"Are you sure that everything is fine?"




Napahinga nalang ako ng malalim at masinsing pinakatitigan si Rowan. Parang ayaw ko na lang umalis ng hindi sya kasama. Parang hindi na agad ako sanay.




Ngumiti sya sakin, pinapaalala na magiging maayos ang lahat.





Sinenyasan nya si Engineer Alcazar na kunin ang aking mga gamit ko. Pag katapos ay hinila nya ang aking braso at niyakap ako.


"I will be in Palau when you get there. I will wait you there." Bulong niya sakin.





Napatango nalang at napayakap narin sa kanya.





Hindi ko alam kung ano kami ngayo. Pero saka ko na iyon iisipin kapag nag kita na muli kami.



Ngayon ko lang naramdaman sa isang yakap na ligtas ako. Na dapat wala akong dapat ipag alala.



"Thank you Rowan sa lahat. Masaya ako dahil nakilala kita. Mag iingat ka lagi ha." Mahina kong sabi.




"Magkikita pa tayo. Mabilis lang ang isang buwan."






"Hey!"




Marahan akong napabitaw ng yakap ng marinig ang pag tawag ni Mr. San Miguel.



"She need to go now Rowan, baka may makakita pa satin." Sabi nito.





Tiningnan ko si Rowan at ngumiti ako. Hindi na sya nag salita at iginiya nya ako sa dulo ng pinto. Hindi ko alam kung nasa anong palapag kami ng barko pero alam kong hindi ito ang tamang daanan at papasok sa loob ng barko.




Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon