Tahimik ako habang nakikinig sa usapan ni Lola at ni Mr. Morales kung ano ba talagang mas magandang plano para akin.
Medyo kinakabahan na ako sa dalwa dahil ramdam ko ang presyon habang nag papalitan sila ng mga salita. Medyo tumataas narin ang boses ni Lola, pero si Mr. Morales naman ay kalmado ang boses pero seryoso ang mukha.
"Hindi ba mas delikado kung mag sstay sya dito sa barko? Kilala na sya ng ibang staff. Baka mag taka sila kung bakit andito parin si Triana----
Tumingin ako kay Mr. Morales, hindi sya nag salita at parang hinihintay pa ang susunod na sasabihin ni lola.
"Kung tutuusin ay mas safe ang plano ko kesa sa plano mo Mr. Morales. Tulungan mo nalang ako maibaba ng barko si Triana para tapos na ang problema."
Hindi parin umimik si Mr. Morales, tila malalim parin ang iniisip. Binasa nya ang kanyang labi at sumulyap sakin ng tingin. Pagkatapos ay umiling ito at muling tumingin kay Lola.
"I won't put the CICL on stake Mrs. Fontanez. Mas malaking problema kapag may naka alam na hindi legal ang pag labas ni Triana sa bansa. Makababa man kayo dito sa barko ng maayos, pero may posibilidad paring may mangyaring hindi maganda kapag nasa bansa na kayo---
Tumigil sya at napahinga ng malalim.
"We can't foresee the circumstances when you are already in the country. There's still a possibility that she might be caught by the authority. And I am sure that they will dig and the company will be implicated. It's not just the company, but also you Mrs. Fontanez.....so am I----
"I have money Mr. Morales, just let you know----"
"Money can save you, but money can't save her." Sumabat uli si Mr. Morales.
"Do you think the CICL won't take an action kapag nahuli sya sa tasmania? They will do the right thing. Everyone who's behind on her escape will be punished and I can't let that happen. Madaming madadamay because of my neglegence...
Tumigil sya at tumingin sakin.
"It was my fault. Hindi kasalanan ng security ang nangyari. I didn't asked them to checked on me.... That's why I am responsible for her."
Napalunok ako sinabi nya. Yun ba ang reason kung bakit nya ako tinutulungan, kasi sa isip nya sya yung may kasalanan kung bakit ako nandito.
"I don't care if you have 99 percent of not being caught. But I won't take the remaining percent. If you want to help her, then we will do it in my way, Mrs. Fontanez." Muli syang bumaling kay Lola.
"I hope you understand it Mrs. Fontanez."
Napahinga ng malalim si Lola. Mukhang malapit na syang makumbinsi ni Mr. Morales.
"Wala ba kayong bakasyon kahit isang araw lang para pwede nating asikasuhin agad ang pag balik nya?"
"Wala Mrs. Fontanez, pag dating natin sa Tasmania ay may naka schedule din agad ang Catalina pabalik sa manila."
Hindi na umimik si Lola mukhang sa pag kakataong iyon ay wala na syang magagawa.
Tama rin naman kasi ang sinasabi ni Mr. Morales. Hindi pwedeng ako lang ang isipin. Hindi nga namin masasabi ang posibilidad na mangyari kapag nasa Tasmania na kami. Baka maungkat ang pinag simulan at madadamay ang kompanya ng mga Lozano.
![](https://img.wattpad.com/cover/287876937-288-k348064.jpg)
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 6: Rowan Morales
Romance⚠️ Warning: R18/SPG ⚠️ The unwanted boarded of the ship, Maria Arisa Triana Calleja--- no passport, no ticket, no any other form of identification. She is the run away girl from her city because of the false accusations made against her. She just fi...