Chapter 33

187 14 1
                                    


Kulang nalang ay mapanganga ako ng pag kabukas ng pinto ng elevator ay bumungad agad sakin ang isang malawak na sala at ang mga nag tataasang mga gusali na nakikita ko mula sa likod ng glass window.





Manghang mangha ako habang naglalakad patungo sa may sala.




Ang galing.




Yung condo unit nya ay may sariling elevator. Akala ko noong sumakay kami ng elevator ay katulad lang ng nasa catalina ship na pag baba ng elevator ay mabubungadan ko pa ang isang hallway na may madaming pinto. Pero dito naka direct na yung elevator sa unit nya.




Siguro ay mahal ang bili nya dito. Alam kong hindi ito basta isang condo gaya sa mga nakikita ko sa TV. Mukhang mayayaman lang talaga ang kayang makakuha ng gantong kagandang condo.



"Please make yourself comfortable. You can stay here until you don't have a place to stay."




Napatingin ako kay Rowan ng marinig syang mag salita.



Tumango ako at ngumiti ng malapad. Hindi parin ako nakaka get over dito sa condo nya. Muli akong napatingin sa may glass window at nasilayan muling ang mga building mula sa labas.




Wala na talaga akong masabi. Sobrang ganda ng view dito sa loob, pero siguro mas maganda mamaya kapag nag gabi na.





"I'll show you your room?"




Muli akong napalingon kay Rowan. Siguro ay pansin nya ang pag kamangha ko sa aking nakikita.



Kinuha nya yung isa kong maleta na siya rin naman ang bumili tapos iginiya nya ako sa magiging kwarto ko.




"May cr din dito sa loob. Kompleto na yung mga gamit dun."




"Thank you." Ngiti ko sa kanya.



Tila nawala lahat ng aking isipin dahil sa nagdidiwang aking loob.



"Kapag may kailangan ka, please don't hesitate to ask me."



"Sige Rowan."



Kita ko ang pagbasa nya sakanyang mga labi at sinalubong ang aking mga mata.





Napalunok ako at biglang nailang sa inakto nya.




Nag isip ako ng pwedeng sabihin, hanggang sa maisip ko kung saan sya matutulog. Hindi pwedeng katulad ng set-up namin sa barko ang mangyayari ngayon.



Nakakahiya na. Dapat sya na yung nasa kwarto at kahit sa sala nalang ako. Okay lang naman kahit saan ako mahiga. Saka sanay naman ako.





"Ikaw san ka matutulog?---dito ka nalang sa kwarto kahit sa sala na ako."





"No." Iling nya. "Dalwa ang kwarto dito kaya duon ako sa kabila."




Ah. Mabuti naman kung ganun.





"I know your tired so you should take rest first. I'll call you later for dinner."





Hala. Ano na bang oras? Maliwanag pa naman ah. Dinner agad?




Sino nga pala ang mag hahanda ng dinner?





"Ano na nga palang oras?" Tanong ko.




"It's already 4:44 pm. Siguro mga 6 pa bago dumilim."



Seafarer Escapade 6: Rowan Morales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon