𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄THE GUARDIAN
GANIA'S POV
Bumuntong hininga ako bago pumasok ng office ko. Hinawakan ang dalawang doorknob at binuksan ang naglalakihang mga pinto. Pagpasok, bumungad sa akin ang mga nakaupong nag-gagwapuhang lalake, may kanya-kanyang ginagawa ang mga ito, halos hindi din naman kasi sila nag-uusap. Dahil hindi nagkakasundo ang mga ito.
Inilapag ko ang papel na hawak-hawak ko magmula kanina. Naglalaman iyon ng impormasyon tungkol sa isang babae.
"What now?" masungit na tanong nung Isa.
"I want you to take care of this girl." kinuha ko ulit ang papel at ibinigay sa kanila isa-isa
"Shael Vione Salazar, huh? Pretty."
"Laurence!" suway ko sa kanya.
"Sinabi ko lang na maganda siya, Gania. What's wrong with that?"
"I know you, Laurence!"
"Tsh, as if I'm interested in her!" nakangiwing sabi niya.
Dati, tatlong lalaki lang silang nakatira sa ASAHI MANSION pero kamakailan lang nung dumating ang dalawa.
"Is this part of our punishment again?"
Sa katunayan hindi naman ito parte ng punishment nila. Lahat ng punishment nila ay tapos na.
"Akala ko ba tapos na ang parusa namin?"
"Oo, tapos na."
"Sabihin mo nga sa amin, Gania? May nagawa na naman ba kaming hindi maganda, kaya binigyan ulit kami ng panibagong parusa?"
"This is not a punishment. It is a task! Kayong Lima kailangan niyong manatili sa mansion kasama si Vione."
"Nag-isip kaba?" natawa siya ng sarkastiko. "Mananatili kami sa mansion nang kasama ang babaeng ito? E alam mo namang puro kami lalaking nakatira sa mansion!"
Nahawakan ko ang noo. Mahirap talagang makipag-usap sa kanila. Lalo na, iba't-iba ang mga ugali nila. Mahirap makipag-usap sa harsh magsalita. Kailangan ng matinding pasensya at pang-unawa, lalo na itong si Denmar! Jusko, kung hindi lang talaga siya apo ni Madam ay malamang pa sa malamang napitik ko na ang tenga nito. Anong magagawa ko! Sumusunod lang ako sa utos ng nakakataas.
"How long, Gania?" tanong ni Errexie. Binitawan nito ang papel at kinuha ang hand sanitizer sa bulsa niya.
"12 months."
"What?" sigaw nung apat, pero hindi ko nalang pinansin.
Nag-iisang anak siya ng mag-asawang Salazar, gusto nila, magbakasyon ang anak nila sa Pilipinas. Hindi lang iyon kagustuhan ng magulang niya, dahil last month kinukulit na niya ang magulang tungkol dito. Pero hindi yata siya pinagbigyan. Nagkataong din naghahanap si Madam Eriene ng Isang babaeng makakasama nitong Lima sa mansion at accidentally naman niyang nakilala si Vione.
Tumayo si Errexie. "Denmar! Go to Japan right now and use the private plane."
"What?"
"Ayoko ng ulitin ang sinabi ko. Kung hindi mo narinig ang sinabi ko! Itanong mo sa kanila."
"Bakit hindi nalang ikaw ang sumundo?"
"I have something to do."
"Demo?"
"If they didn't allow you to use it. You can use my name." binuksan nito ang pinto at lumabas.
Tumingin ulit ito sa papel na binigay ko. "Tsk, fine." bumaling ito sa akin. "Hindi naman siguro scam itong impormasyong nandito sa papel at ang mukha, Hindi ba Gania?"
Nginitian ko siya. "Hindi."
Inayos nito ang suit. "Kailangan ko ng umalis." paalam niya at lumabas na rin ng office na ito.
"Makakasama ko na naman pala kayo ng Isang taon. Tsh," nakangiwing saad ni Gion.
Hindi man nito sinasabing naiinis siya pero pinaparamdam niya iyon sa dalawang naiwan dito sa office ko, na kasalukuyan pa ring nakaupo hanggang ngayon.
"Hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam niya'n. Kung ayaw mong manatili pa ng Isang taon kasama kami! Pwede kanang umalis! Let's go. Haruki." nang hindi sumagot ang tinawag niya ay siya na mismo ang lumapit dito at walang kahirap-hirap na binuhat. "Sabi ko naman sayo...tigil-tigilan mo ang kakabasa ng book recipes na'yan. Wala ka namang napapala diyan. Lalo na, hindi ka naman marunong magluto. Paniguradong sunog na naman ang buong kusina kapag may nakita ka na naman masarap iluto diyan." lumabas sila at pabagsak isinara ang pinto.
Napailing nalang ako sa inasta nilang lahat. Psh. Ano pa nga bang nakapagtataka? Lagi naman silang ganito tuwing pinapatawag ko sila at nagsasama-sama sa iisang kwarto. Laging nauuwi sa maliit na pagtatalo.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫