𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 19

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 19

Binigay ko na kay Auntie ang laundry basket. "May maitutulong pa ba ako, Auntie? Sabihin mo lang habang nandito pa ako."

"Ikuha mo ako ng liquid detergent sa storage room, sa bandang kanan iyon."

Nginitian ko si Auntie, siguro ay hindi niya alam na naituro na sa akin ni Denmar lahat ng laman ng mansyong ito, naninigurado lang siguro siya.

Binuksan ko ang pintuan sa bandang kanan, na pinaka baba rin ng mansyong ito. Pagpasok ko bumungad sa akin ang napakaraming detergent at mga kung ano pa. Kumuha ng liquid detergent, tsaka lumabas narin, binigay kay Auntie ng makita siya.

"Alis nako, Auntie." hindi ko na siya hinintay pang sumagot, basta lumabas ako ng mansion, pero mukhang pinaglalaruan yata ako ng tadhana ngayon. Bakit sa dinami-rami ng pwede kong makita e sila na naman. Oo nga't malayo nako sa kanila pero kasi pinapaalala sakin ang mga mukha nila ang nangyari kagabi.

May gusto rin kaya si Haruki sa kanya?

May nangyayari bang agawan sa loob ng mansyong ito? Ang hirap naman yatang paniwalaan ang mga iniisip ko tungkol sa kanila? Ilang beses ko palang nakausap si Haruki at masasabi kong mabait siya, natural na iyon sa kanya. Baka kung anong trato niya sa akin...ganon din ang tingin at trato niya kay Cavanna!

Pero muli na naman akong binigo ng isipin ko. Nang makita ang ginawang pamimitas ng bulaklak at ibinigay iyon sa babaeng kasama. Bumakas ang saya sa mukha at malugud na tinanggap ito.

Nagulo ko ang sariling buhok.

May alam kaya si Denmar sa mga nangyayari sa dalawang 'to? Aware ba siya? My god! Ayoko nalang talaga mag-isip! Kung ano-anung pumapasok sa isip ko e, andami ring mga tanong na hindi ko masagot-sagot.

Ibinaling nalang ang paningin sa ibang direksyon upang hindi na makita ang susunod pang gagawin nila, baka kapag nakita nila ako ay panghinalaan pa nila akong marites no.

Lumabas ako ng gate at nagkataong may bus do'n, kaya sumakay narin ako at umupo, Buti nalang nagkataong may bakante pa, kundi tumayo ako dito sa bus hanggang makarating ako ng mall.

Hindi ito ang unang sakay ko, pero parang bago sa paningin ang mga natatanaw ko. Teka, may nakalimutan ba ako?

Halos matakpan ang bibig ng maalalang hindi ko naitanong kay Auntie ang papuntang mall! Tama ba itong nasaktan ko? Hayst....bahala na! Nasa kalagitnaan ako ng pagpapanic ng bigla naman huminto ang bus.

Naagaw ng atensyon ko ang kaisa-isang sumakay. He was wearing black v-neck shirts, black pants, black shoes and black cap, lahat nalang yata kulay itim ang suot niya, naiwas ang paningin ng magtagpo ang paningin namin. Seriously...siya ang totoong definition ng magandang lalake, ang kinis ng mukha niya, may pagkamahabang pilik mata at may mapupungay na mata. Matangos ang ilong at may kanipisan ang labi. Makapal at salubong din ang kilay.

Napalunok ako ng tumapat ito sa akin. Kapag ganito ang makita ko araw-araw...sarap lang mabuhay, Dre. Halos mapuno narin kasi ang bus, kaya wala na siyang maupuan. Buti nalang talaga, kundi walang gwapong lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon.

"Cough cough." napatingin ako sa kanya ng marinig itong umubo, pero ibinalik din ang paningin sa hawak na bag at naghanap ng kending ibibigay sa kanya, ngumiti ng may makitang Isa. Kinuha at inalok sa kanya.

"Here, take it."

Alanganin nitong kinuha. "Merci." hindi lang magandang lalake–ang gwapo rin ng boses.

"Huh? Ah?"

"I said. Thank you..." ilang salita lang iyon pero hindi maitatangging ansarap pakinggan. Ha iyon pala iyon. Bahagya kong nakagat ang labi. Akala ko tinawag niya ako sa pangalang 'merci' iba pala kahulugan ng salitang iyon.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon