𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 50

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 50

"He's finally awake."
naisantinig ko habang nakatingin sa papel.

Hindi ko na mapangalanan ang sayang nararamdaman, sa sobrang saya ay hindi ko namalayang nakauwi na pala ako sa bahay.

Nakangiti kong ibinulsa ang papel at binuksan ang gate. Papasok palang ako nang makita ko si Mom sa labas ng pintuan, at mukhang nag-aalala.

"Where have you been?"

"Pumasyal lang, Mom!"

"Binalikan ka namin sa hospital! Wala ka do'n." mabilis na naglakad si Mom papunta sa akin at niyakap ako. "Akala namin ng Dad mo ay may nangyari ng masama sayo! Huwag mo na ulit kaming pinag-aalala ng husto ah?"

"Dumating lang 'yong kaibigan ko, kaya pumunta kami sa malapit na café, at pumunta na rin kami sa Inokashira park. Sorry kung hindi ko na kayo natawagan para makapagpaalam."

"Hindi na talaga namin alam ang gagawin kung sakaling mawala ka sa buhay namin, anak!"

"Mom! Pumasyal lang ako!" kumbinsi ko, para kahit pa paano ay mawala ang pag-aalala niya.

"Basta, 'wag ka nalang basta-bastang umaalis ah? Magpaalam ka kaagad kung kinakailangan." sa isang banda, naramdaman ko sa yakap niya na kung gaano ako kahalaga.

"Opo, magpapaalam na po ako sa susunod." humiwalay ako kay Mom. "Nasaan 'yong dalawa?"

"Natutulog, napagod masyado sa paglalaro."

Sandali akong natahimik, at tinitigan si Mom. Araw-araw ko naman silang nakikita ni Dad sa hospital, pero parang naninibago ako ngayong nasa bahay ako. Meron sa parte ko na parang nahihiya, kahit na hindi naman dapat.

"Why?"

"Wala, hindi lang ako makapaniwala na nakikita at nakakasama ko na kayo ngayon ni Dad! Honestly, Mom. I'm a little bit shy right now."

"Hahahaha why?"

"Don't know! Feeling ko lang nahihiya ako."

"Matagal mo lang akong hindi nakasama kaya ganyan." inakay niya ako papasok ng bahay. Namiss ko itong amoy ng bahay. Tingin ko kailangan ko nang masanay sa amoy ng bahay ngayon, at hindi na amoy ng hospital ang maaamoy ko sa araw na ito.

Hindi natanggal ang pagkakahawak sa akin ni Mom, hanggang sa maupo kami sa sofa. Halos maiwas ko ang paningin ng hindi na natanggal ang pagkakatitig niya sa akin.

"Mom, naman! Kung tignan mo ang parang ngayon mo lang ulit ako nakita?"

"Namiss lang kita." hinaplos nito ang mukha ko. "Limang buwan kitang hindi nakita, tapos...pagkatapos ng limang buwan na 'yon ay dumaretso ka na sa hospital."

"Nakikita mo naman ako do'n araw-araw."

"Pero syempre iba pa rin iyong nandito ka." ngumiti siya. "Iba ang sigla ng bahay kapag nandito ka."

"Sobra mo ba akong namiss, kaya halos ang paningin mo sa akin ngayon ay hindi na maalis?" namiss ko rin naman siya e, sila ni Dad.

"Mmm, I miss you so much..." parehas kaming nag-iwas ng paningin ni Mom nang bigla nalang sumulpot si Dad.

"What are you two doing?" pumunta siya sa harap namin at sinilip ang mukha namin. "Crying?"

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon