𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 45

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 45

Panay ang buntong hininga ko habang hinihintay si Kuya Philip. Iyong apat na 'yon! Bakit hindi nila sinabi sa akin na may pupuntahan sila!? Edi sana nasabi kong isave nila ang araw na ito para sa akin.

Napailing ako at binura lahat ng gumugulo sa isip ko, nang makita na ang sasakyang paparating.

"Get in, Vione."

Akma ko nang bubuksan ang pintuan sa passenger seat ng pigilan ako nito.

"Doon ka sa backseat."

Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Uuwi nalang ako at matutulog buong araw. Wala namang magandang gawin kapag mag-isa, kundi ang matulog lang ng buong araw.

"Is there something wrong?"

Napatingin ako sa kanya at umiling. "Wala naman." Gusto kong sabihin na 'kuya greet mo naman ako! Birthday ko ngayon e' pero imbes na sabihin ay mas pinili ko nalang huwag sabihin. "Iniisip ko lang na masarap matulog pagkauwi ng mansion." dahilan ko. Sinimulan nitong patakbuhin ang sasakyan. "Andalang nalang kitang makita sa mansion, Kuya?"

"Masyado na rin kasi akong maraming inaasikaso."

"Ganon? Kahit mapadaan lang hindi kaya ng oras mo?"

"Hmm."

Sabagay kapag wala naman siyang masyadong ginagawa ay talagang makikitang magkasama sila ni Errexie. Nitong mga nakaraang araw lang talaga sila hindi masyadong nagkikita. Kung itanong ko kaya sa kanya si Errexie? Alam kaya niya kung saan siya nagpunta? Huwag nalang, nakakapagdalawang isip magtanong.

Nangunot ang noo nang mapansin kong hindi patungo sa mansion ang daang tinatahak niya. Saan niya ako balak dalhin?

Kaya naman nagtanong na ako. "Bukod sa paghatid sa akin sa mansion? May ibang lakad ka pa ba, Kuya?"

Hindi ako nakarinig ng sagot sa kanya, basta nagpatuloy lamang ito sa pagd-drive. My goodness! Ano kayang problema ng mga tao ngayon? Iyong kanina panay ang pagsusungit niya! Siya naman ay inuugali ang hindi pagsagot niya.

Nevermind na nga lang! Mind my own business na nga lang.

Bahala na siya, kung saan niya ako balak dalhin. Tutal mapapagkatiwalaan naman siya.

Halos mapatitig ako sa kanya ng mapamilyaran ang daan. Ito iyong daan papuntang orphanage ah? Bakit naman niya ako dadalhin dito? Ipapaampon ba niya ako? Seriously, Vione! May magulang ka! Imposible namang ipaampon ka niya! O baka naman may kailangan lang siyang daanan dito. Oo tama, baka may dadaan lang siya dito.

Pero sa isang banda hindi ko na maiwasang itanong sa kanya. Kahit na walang kasiguraduhang sagutin niya. "Diba ito 'yong daan papuntang orphanage?"

Panandalian niya akong sinulyapan. "Galing ka na dito?"

"Mmm, dinala na ako dito ni Errexie." napangiti ako ng maalala ko 'yon.

Iyong pagkatapos kong mameet ang magulang ko sa restaurant ay dinala naman niya ako sa orphanage, sa kadahilanang gusto niyang bisitahin ang mga bata. At sa maikling oras naming pananatili sa orphanage nang araw na 'yon ay nakita ko ang ugaling hindi ko inaasahang makita sa kanya. Kung paano siya makisalamuha at tumrato ng mga bata. Hindi man halata pero nagbigay iyon ng saya sa akin. Humanga ako ng husto sa pagkatao niya. Kaya siguro hindi ko na rin maiwasan at lumabas ang totoong nararamdaman ko sa kanya.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon