𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

Nang sandaling iyon nanatili lang ako sa labas ng kwarto niya, tumingala at inisip ang susunod na gagawin.

Anong gagawin ko ngayon? Hindi pwedeng iwanan nalang siya ng ganon. E kung tawagin ko kaya si Auntie? Nanlumo ako nang maalala kong wala naman pala akong number niya, at imposible ding gising pa siya ng ganitong oras.

"Vione." nagulat ako nang sandaling tawagin ni Laurence ang pangalan ko. Napalunok at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ni Denmar.

Sa tingin ko siya lang ang makakatulong sa akin ngayon, 'yon ay kung gising pa siya. Sana naman gising pa siya, nang kahit pa paano ay makakahinga ako ng maluwang.

Pikit ang mga matang kumatok sa kwarto niya, hanggang sa marinig ko na ang paglangitngit ng pintuan niya.

"What is it?" dahan-dahang kong iminulat ang mga mata, pero ganon nalang ang gulat ko ng tumambad sa akin ang kabuohan ng katawan niya, kaya naman mabilis akong tumalikod.

Bakit naman ganon? Bakit naka bathrobe lang siya? Obviously, Vione! Malamang naligo siya.

Lumayo ako ng maramdamang pumatak ang tubig sa kamay ko, marahil ay pinupunasan nito ang buhok gamit ang maliit na twalya.

"Hey, do you need something?"

"Kasi ano!" ano nga ulit iyon?

"What?" irritableng tanong niya.

"K-kasi si l-laurenc-"

Kumunot ang noo niya. "Napano si Laurence?"

Sasabihin ko ba?

"Kasi," naidikit ang dalawang intuturo. "Pinapa-unzip kasi ni Laurence iyong pants niya." mabilis na sabi ko.

"What? Did you do it?'

"Hindi ah! Bakit ko naman bubuksan ang zipper ng pantalon niya? Kaya nga ako kumatok dito ay baka sakaling matulungan mo siya." hindi pa naman ako ganon kadesperadang makita iyong ano niya no. Ah basta, hindi ko pag-iinteresan buksan 'yon, para lang makita ang boxer brief niya.

Nagulat ako nang pumunta siya sa harapan ko at mas lalong hindi ko inaasahan ang pagngiti at paghawak niya sa ulo ko.

"Leave that guy to me, you can go to your room now, Vione." tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa kwarto ni laurence.

Hindi ko sinunod ang gusto niya, sinundan ko siya hanggang sa kwarto ni laurence pero nanatili lang ako sa labas ng kwarto at sinilip sila sa nakaawang na pintuan.

"Oh, dude. Why are you here! Where's Vione?" nababasa ang kapilyuhan sa labi niya.

"Nasa kwarto na niya."

"Alam mo ba! Pinapakiusapan ko siyang i-unzip ako per-"

"Idiot." biglang sabi niya, "nasa tamang katinuan ka pa ba ah, Laurence! Asking a lady to unzip you is the most stupidest thing that you ever did! Lalo na si Vione iyon... Hindi kaba nag-iisip na wala pa siyang karanasan sa pinapagawa mo."

Ngumisi siya. "Oo naman, nasa tamang katinuan pa naman ako." mula sa pagkakahiga ay tumayo ito at naglakad ng maayos patungong bintana.

Nangunot ang noo ko. Ano iyon nagpapanggap lang siyang lasing? All this time hindi siya lasing? Pero bakit kailangan niya pang magpanggap? Pero hindi e, nakita ko siyang uminom kaya imposibleng nagpapanggap lang siya. Hindi kaya nakarecover na siya agad? Oo, tama nakarecover na siya sa tagal ba naman niyang nakapagpahinga sa sasakyan kanina imposibleng hindi nawala ang pagkalasing niya, plus hinila ko pa iyong mga band-aid na nakalagay sa mata niya, malamang bumalik sa katinuan niya.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon