𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 31
Hindi ako makapaniwalang naririnig ko muli ang musikang ito. Napapatulala sa sobrang paghangang nararamdaman ngayon.
Who would thought na si Errexie pala ang nasa likuran ng musikang ito? Tunay nga namang may pagkamisteryoso ang pagkatao niya. Ano pang malalaman ko kasunod nito? May dapat pa ba akong malaman o wala na?
Bakit ba bigla na lamang siyang naglaho no’n? Na Kahit isang bakas niya ay wala akong nakita.
Nang umangat ang paningin niya ay huminto na ito sa pagtipa ng keyboard. Nagtatanong na mata ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko! Nablanko ako sa sobrang paghanga. Paano ko sasabihing taga-hanga niya ako? Dapat ko pa bang sabihin o ililihim ko nalang?
“Can you be my violinist?”
Halos makagat ang labi sa pagpipigil ng tuwa. Kinikilig ako sa sinabi niya parang anumang oras ay bigla ko na lamang mapipihit ang bow sa strings.
Nangunot ang noo niya nang makita akong halos hindi ako mapakali at maikalma ang sarili sa kinatatayuan ngayon. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito ngayon...pero kasi kapag hindi ko sinabi ay baka lalo lamang akong hindi mapakali sa kinatatayuan at hindi na ako makakapagfocus ng tuluyan.
Hindi ko alam kung tama ba ito, pero- “Bago tayo magsimula...” ibinigay ko ang violin sa kanya at ang marker. “pwede mo bang pirmahan, X?”
Umangat ang gilid ng labi niya. “Really, Vione?”
“What? Masama bang magpapirma sa taong hinahangaan? Ang sarap sa pandinig at pakiramdam ng musika mo tuwing naririnig ko e. Kung hindi mo natatanong isa akong lihim na taga-hanga mo.” pero ngayon hindi na lihim dahil nasabi ko na sa kanya.
Kinuha nito ang violin ko at dali-dali iyong pinirmahan. “Thank you...” naisambit ko ng ibigay na nito ang violin ko.
“Pipirmahan mo na rin ba ang piano ko kung sakaling sabihin ko ring hinahangaan ko din ang musika mo?” nandon ang pagkagulat ng marinig ang sinabi niya. “forget it...” pambawi niya.
Bukod dito, narinig na niya ba ang musika ko? Imposible naman yata ‘yan.
Bumalik ako sa kinatatayuan ko kanina at nagsimula ulit ipwesto ang instrumento sa leeg. Pumikit, nang marinig ang musika niya ay dahan-dahan akong sumabay dito.
Ang marinig muli ang musika niya ay nagbibigay ng inspirasyon sakin. Sinong mag-aakalang sa isang iglap ay matutupad ang hinihiling ko? Gusto kong imulat ang mga mata upang pagmasdan siyang tumugtog. Hayaan ang sariling malunod at magpadala sa musika. Gusto kong panoorin siya, mapagmasdan siya. Iminulat ang mga mata at tumingin sa direksyon niya, pero sa kagustuhang mapagmasdan siya ay hindi inaasahang nagtagpo ang mga paningin namin. Dahan-dahan kong iniwas ang paningin para hindi na rin mapangahalataang nagdulot nang matinding kaba ang pagtatagpo ng paningin namin.
Bigla ay para akong nahiya! Hindi niya dapat ako tinitignan! Dapat nasa keyboard lang ang paningin niya....hindi sa akin!
Hindi ko na sinubukan pang tignan siya, naipako ko na lamang ang paningin sa mga batang kasalukuyang nanunuod sa amin ngayon. Nang matapos ay mabilis akong bumaba ng entablado. Dinala ng mga paa sa play ground kung saan ko nakikita ang mga batang naglalaro kanina.
Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang inaakto ko! Siguro ay gusto kong makaiwas sa paningin ni Errexie. Sa totoo lang, hindi ko kinaya ‘yon! Napakalagkit niya kung tumingin.
Nagpapiano lang dapat siya! Walang ganon na nangyari!
Sinimulan kong iduyan ang sarili at naglabas ng buntong hininga, "Bakit ganun?" wala sa sariling naitanong. Napahawak ako sa dibdib nang dinig na dinig ko pa rin ang bilis ng tibok nang puso ko. "Bakit ganito na lama–" Pero ganoon na lamang ang pag-angat ng ulo ko ng bigla nalang may naghinto ng swing.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Novela Juvenil"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫