𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄

I'M ERREXIE AKIRA."

Naistatwa ako... Ehhhhhh.... E-e-er-re-xie..???

Teka, nagbibiro ba siya?

Nakita ko na siya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Alam mo iyong simula nung dumating ako dito sa mansion? Gustong-gusto ko na siyang makita pero ngayon na nakita ko naman siya, hindi ko maiwasang madismaya.

Bakit ganon? Bakit tinakpan pa nang pusang maskara ang mukha niya?

Hindi makatarungan ang ginawa niyang pagpapakilala. Masyadong unfair! Hindi ko nakita ang kabuohan ng mukha niya. Oh madamot kalang talagang author ka! Ayaw pakita ang mukha e.

Dahil sa hindi ko nagustuhan ang pagpapakilala niya sa akin ay binuksan ko uli ang tupperware at wala sa sariling dumampot ng pancake do'n at kinain, pero ganon nalang kasama ang mukha ko nang malasahan iyon.

Pweew, ang sama ng lasa, mukhang hindi marunong iyong magluto nito. Duh? Seriously, Vione! Sa itsura palang e halatado na.

Ibinaling ko dito sa lalaking ito ang paningin ko. Huh? Nasaan na 'yon? 'wag niyang sabihing tapos na siya sa pagpapakilala niya? Na 'yon, na 'yon!?

Bumuntong hininga nalang ako at umupo sa tabi ng mga bulaklak, pinagpatuloy ang pagkain ng pancake! Eh pwede pa naman pagtyagaan e, sayang din iyong ginamit na ingredients nang kung sinomang nagluto nito no!

"Did you like it?" bulong ng kung sino!

Dahan-dahang kong ibinaling ang paningin sa likuran. "Ahhhh..." malakas na tili ko.

Idinikit nito ang intuturo sa bibig at luminga-linga sa paligid. "Ssshhh, baka malaman nung dalawa na nandito ako."

Bakit ba sa lahat ng pwede niyang pagtaguan e ang flower field pa ang napili niya? Hindi ba niya naisip na baka pwede rin siyang makita dito! Pwera nalang kung dumapa siya.

Teka? parang siya iyong lalaking nakita ko kahapon sa fountain? Iyong may hawak na libro at pinagkamalan ko ding... Siya si Errexie, pero hindi naman pala siya si Errexie.

Lumabas siya sa mga halaman at tumabi sa akin. "How was it?" tinuro ang kinakain ko, siya iyong bumangga at nagbigay sakin nito kanina.

"Okay naman."

"Hindi masarap no?"

"Pwede na! Pwedeng pagtyagaan."

Kinuha nito ang tupperware at nakidampot din. "Hmm." tinakpan ang bibig ko at palihim na natawa, pinipilit niya kasing masarapan sa pancake pero binibigo iyon ng mukha niya.

Binitawan ang tirang pancake at sinara na niya ang tupperware. "Wag mo nang kainin! Hindi masarap. Sasabihin ko do'n sa cook na hindi masarap ang niluto niyang pancake."

Sa pagkakatanda ko? Wala naman silang cook. Si Auntie ang naghahanda ng pagkain nila! Imposible namang si Auntie ang nagluto ng pancake na ‘yan. E ansarap kaya nang inihanda niyang cupcakes kahapon.

"E sino ba kasi nagluto niya'n?"

Nanlalaki ang mata niyang bumaling sakin. "Ako.."

"Hindi ka marunong magluto no?"

Umiling siya. "Hindi. I like cooking pero parang ayaw naman sakin nito!" wag kang mag-alala ramdam kita. Hindi rin ako marunong magluto no! Tuwing magtataka akong magluto lagi din sunog ang kinalalabasan ng niluluto ko. Pero noon 'yon, kasi ngayon paunti-unti ko nang natututunan ang pagluluto.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon