𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐕𝐄
Sinundan ko si Auntie ng maglakad siya papuntang kitchen.
"Oh bakit ganyan ka makatingin saken?"
Ngumuso ako. "Bakit hindi mo sinabing nasa likuran ko siya, auntie?"
"Paano ko sasabihin sayo e titig na titig ka kay Haruki. Ayoko namang isturbuhin ka, ano!"
Sabagay, sayang din iyong magandang view, kahit nakatalikod lang siya kanina no! Ayoko din naman sigurong magpaisturbo kung sakaling tinawag niya ako. May panibagong araw pa naman para makita si Errexie.
"Feeling ko ang gwapo no'n, Auntie! Kahit nakatalikod maaappreciate mo ang gwapong back view."
"Hahaha," malakas na tawa niya. "Bago mo pagpantasyahan iyong binatang 'yon ay kumain kana muna, kung ano-anung pinagsasabi mo e." Inilapag niya ang napakaraming cupcakes sa harapan ko.
"Totoo 'yon, Auntie! Gwapo talaga ang back view niya," kumuha ako ng Isa at kumagat at ganon nalang ang pagkamangha ng malasahan iyon. "Mmm, masarap siya auntie ah."
"Talaga ba? Baka pinapalaki mo lang niya'n ulo ko ah?"
Umiling ako. "Nako hindi ah, masarap talaga siya, parang lutong pang propesyonal nga e."
Ngumiti ito nang sandaling sulyapan ako.
"Gaano katagal ka nang nagt-trabaho dito, Auntie?"
"Ako?" ngumiti siya. "Matagal na rin, hija! Dalaga palang ako ng magsimula akong magtrabaho dito at hanggang ngayon ay tignan mo! Naninilbihan parin ako sa kanila, kahit na may sarili na akong pamilya at may pinagkikitaan na rin. Ganon yata talaga kapag binigyan ka nang importansya at pagkakataon ng Isang tao. Pagkakataong bigyan ka nang magandang buhay. Tunay silang mabait at karespe-respeto."
Napaisip ako sa sinabi niya, bakit hindi pa siya umalis kung ganoong may pambuhay na siya sa pamilya niya at sigurado namang hindi lang siya ang naghahanap buhay. Syempre katuwang narin niya ang asawa sa lahat ng gastusin nila sa bahay.
"Alam mo kasi, hindi naman ganon kaganda ang buhay namin noon. Wala kaming sariling lupaing sakahan na pinagkukuhanan ng makakain namin, tanging alam lang naming hanap buhay ay ang makipagtinda ng mga gulay at isda. Isang kayud isang tuka talaga kami noon. Kapag may gusto naman kaming bilhin ng pansarili namin, tulad ng damit o kahit na anong bagay ay kailangan naming paghirapan ang salaping pambili namin hanggang sa may maipon kami."
Napakahirap siguro talaga ng buhay nila noon. Hindi tulad ngayon na hihingi kalang ng pera sa magulang ay ibibigay kaagad nila. Sila bago makuha ang pera ay kailangan mo na nilang paghirapan.
"Sa sobrang kahirapan ay napalayas kami sa tinitirahan naming bahay, dahil wala narin kaming maibigay na pambayad doon sa may-ari ng bahay," bakas ang lungkot sa mukha ni Auntie habang nagkukwento, siguro ay naaalala pa rin niya ang mga nangyari sa kanila hanggang ngayon. Tama bang naitanong ko sa kanya ang tungkol dito? Kasi kung hindi ko siya tinanong kung gaano na siya katagal nagtatrabaho dito ay hindi kami aabot sa ganito. "Pwede naman nila kaming pakiusapan na umalis noon at magkukusa naman kaming aalis pero kinaladkad pa kami papalabas ng bahay."
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Ficção Adolescente"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫